bc

Miracle

book_age18+
6
FOLLOW
1K
READ
HE
pregnant
drama
bxg
campus
highschool
office/work place
illness
virgin
like
intro-logo
Blurb

Anong gagawin mo kung ang taong nakasama mo sa pinakanakaka-traumang bahagi ng buhay mo ay sya ding makakasama mo habang-buhay?

She's a nerd girl who wants to graduate in her studies. He's a boy who claimed and act like his a girl. They got bullied and the next thing they know, they're going to be parents. What do you think they're gonna do?

DISCLAIMER:

This story is fictitious. Characters, Names, Businesses, Places, events, and incidents are just a product of the Author's imagination. Any actual person, living or dead, or actual events or incidents are purely coincidental.

Started: Wed, January 19, 2022

Finished: Fri, March 11, 2022

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 - Stella's POV - Nakaupo ako ngayon dito sa gilid ng classroom namin at nagmumuni-muni. Gusto kong mawala ang lungkot ko dahil parang sasabog ang dibdib ko. Nalaman ko kasi kung sino ang tunay kong mga magulang pero ang masama doon ay binawian na pala sila ng buhay. 'Siguro, pinanganak talaga ako para maging mag-isa.' Kahit na matagal na akong may kutob na hindi sila ang pamilya ko ay hindi ko inaasahang wala na ang mga magulang ko. Hindi ko tuloy alam kung kamumuhian ko sila lalo dahil sa pananakit at hindi nila pagsasabi sa akin o maging greatful pa ako dahil kinupkop nila ako. 'Good thing, nakatakas na ako sa kanila.' Ako si Stella Lim. Isa na akong ulila ngayon dahil tumakas ako sa pamilyang kumopkop sa akin at ginawa akong alipin at ang tunay kong magulang ay binawian na daw ng buhay. Parang may galit din ang mundo sa akin dahil nabu-bully din ako dito sa school. Dahil mag-isa lang ako ay kailangan kong maghanap-buhay para sa sarili ko. Mabuti nalang ay may dorm na ibinibigay ang school na napasukan ko sa mga students na katulad kong working students. Hindi din maganda ang school life ko dahil mahilig ding akong mabully. Lalo na ng kaisa-isang tao, si Diane. Sya ang taong palaging nangbubully sa akin. Kahit ilang beses ko syang isumbong ay wala syang pakialam dahil masyado nang sira ang reputasyon nya. Hindi lang ako ang binubully ni Diane, marami pa kaming nagrereklamo sa pagiging ganon ng ugali nya, pero muhkang wala na din talaga syang pakialam dahil kahit na paulit-ulit syang ipatawag sa dean's office ay baliwala lang iti sa kanya. Maya-maya pa ay dumating na ang katabi ko. Naupo ito sa tabi ko ng tahimik at isa din sya sa mga biktima ni Diane. Nakita ko na din kasing pinag-tri-tripan sya ni Diane at ng mga tropa nito. Pero anong magagawa ko? Ganon din naman ako katulad nya. Sandali akong napatingin sa kanya bago ako nag-iwas ng tingin at tuluyan nang tumingin sa harapan ko dahil pumasok na ang guro namin para sa oras na iyon. Agad din itong nagsimula ng ituturo nito para sa araw na ito. - Paul's POV - Kakadating ko lang sa school ngayon at agad din nagsimula ang klase namin. Medyo late na akong nagising ngayong araw dahil nag-away nanaman kami ng nakababata kong kapatid. Kahit na ayoko ay masyadong warfreak ang kapatid kong iyon. I'm Paul Tan. I'm currently confused about my true pronoun. I'm He/him but I want to be Her/She. It's pretty confusing for me because kahit ako ay hindi ko alam kung ano ba talaga ako. Ito din ang dahilan kung bakit malayo ang loob sa akin ng family ko. Hindi ko din sila masisi. Palagi namang ganito kapag sa mayamang pamilya ka nanggaling. Dapat perpekto ka. Hindi ko din gugustuhing malaman ng mga tao sa school namin na anak nila ako, dahil paniguradong magugulo lang lalo ang buhay ko. Nakaupo ako ngayon at nagmumuni-muni. Bigla kong naalala na may project pala kami at kami ng katabi ko ang napili ng guro namin na maging partners. Kahit ayoko, wala akong magagawa. Para sa grades namin 'yon. "Excuse me." Sabi ko sa katabi ko. "Itatanong ko lang kung may nagawa ka na sa project natin. Next week na pala natin 'yon ipapasa." Dagdag ko pa. Rumihistro naman ang gulat sa muhka nya at lumapit sa akin para bumulong din. "Oo nga pala. Wala pa akong nagagawa. Ikaw ba?" Tanong nito sa akin. "Mamaya nalang ulit natin pag-usapan. May klase pa tayo, ohh." Sabi ko. Tumango nalang sya at hindi na nagsalita. ________________________________ Nandito kami ngayon sa library at naghahanap kami ng mga ideas na pwede naming magamit galing sa textbooks na narito. Mabuti nalang at madami na din kaming ideas na nailista bago pa man kami makagawa kaya kaagad na din namin itong natapos. Nag-aayos kami ngayon ng gamit namin dahil pauwi na kaming dalawa. Nasa kalagitnaan kami ng pag-aayos namin ng biglang lumapit sa amin si Diane. Dahil hindi namin napansin ang paglapit nila ay hindi na kami nakakilos o nakaalis man lang kaagad. "Nandito kayong dalawa? Nagdadate ba kayo dito sa library?" Sabi nito sabay tawa n'ya at nang mga kasama nya. "So lame." Sabi pa nito at nang mga kasama nito. "Nandito lang kami para sa project naipapasa next week." Sabi ng kasama ko. "Talaga? Akala ko, nag-uusap lang kayo dito para sa future nyo." Sabi nya at tumawa nanaman sila ng mga kasama nya na parang sobrang nakakatawa ng mga sinasabi nya. "Uuwi na kami." Sabi ko at kinuha na ang mga gamit ko at hinila ko na sya paalis doon. "Ano?" Biglang salita nito. "Aalis kayo?" Biglang sabi ni Diane kaya bigla akong napahinto sa paglalakad. "Nagpapatawa ba kayo?" Sabi nito at biglang pumitik. Doon na lumapit sa amin ang mga kasama nya pero may biglang nagsalita. "Naku, kayo nanaman. Magsiuwi na nga kayo. Dito pa talaga kayo gagawa ng gulo." Biglang sulpot ng librarian. Agad ko namang hinila ang kasama ko at kaagad kaming nakalabas ng library ng hindi nasusundan nila Diane. ________________________________ Nang dumating ako sa bahay ay alas-otso na. Masyado kasing traffic ngayon at medyo late na din kasi kami natapos ni Stella kanina. Pagpasok ko sa bahay ay naririnig ko ang ingay ng kapatid kong si Rylee. Sya ang sumunod sa akin. Ganito kasi, actually pangalawa lang ako. Ang panganay naming kapatid ay si Kuya Marco. Na may asawa na ngayon. Mas matanda sya sa akin ng limang taon. Ang sumunod naman sa akin ay si Rylee. Mas matanda ako sa kanya ng 3 years. At ang bunso naming kapatid ay si Jack. Sya ang pinakacalmest sa aming magkakapatid. Sya yung palaging chilll lang. Ang kapatid kong si Rylee naman ay namana ang pagiging maldita ni Mommy. Si Kuya naman ay namana ang ugali ni Daddy. Ang ugali naman ng asawa ni Kuya ay mahinhin. Mabait din ito kaya maluwag ang loob sa kanya ng lahat. Sa lahat ng tao dito sa bahay, si Ate Yuri lang ang pilit na iniintindi ang ugali ko. "Why are you late?" Tanong ni Mommy habang nauupo ako sa hapag-kainan. "I did a project with a classmate." Sabi ko at nagpatuloy na sa pagkain. "This is the first time na nalate ka ng uwi. Did something happen when you're on the way here?" Tanong naman ni Ate Yuri na halatang sya lang ang may pakialam sa akin. "No. Natraffic lang talaga ako." Sabi ko. Tumango naman sya at di na nagsalita. Maya-maya pa ay nagsalita ulit si Rylee at nagco-conplain nanaman sya tungkol sa kung sino-sino. Ako naman ay binilisan ang pagkain ko. "I'm done." Sabi ko at tumayo na kaagad. Hindi na ako nag-abalang magpaalam pa sa kanila dahil pagod na din ako at gusto ko nang magpahinga. Pagpasok ko ng kwarto ko ay agad akong nahiga sa kwarto ko at nahiga doon. Makalipas ang ilang minuto ay muli akong tumayo at naglinis ng katawan ko at nahiga ulit ako sa kama ko. Sandali ko munang hinintay na matuyo ang buhok ko bago ako tuluyang nahiga sa kwarto ko at makalipas ang ilang minuto ay nakatulog na ako. ________________________________ - Stella's POV - Tahimik naman ang umaga ko ngayon at mag-isa lang akong kumakain ngayon ng lunch ko. Gusto kong mapag-isa dahil ito naman talaga ang kapalaran ko, ang maging mag-isa. Hindi ko alam pero parang ayoko nalang mabuhay kung ganito lang din naman. Out of no where, biglang may lumapit sa akin. And guess what, sila Diane nanaman yon at ang boyfriend nya. Palaging magkakasama ang mga to pero hindi ko maintindihan kung bakit parang sawang-sawa na sila sa mga buhay nila. "Mag-isa ka ngayon? Nasan yung kasama mo kahapon?" Sabi nito. Mabuti nalang at tapos na akong kumain ngayon. Tumayo ako sa kinauupuan ko at akmang lalayo na sa kanila ng may pumigil sa akin. Bigla nila akong hinawakan at wala na akong magawa kung hindi ang magpumiglas nalang dahil malalakas ang nakahawak sa akin. Maya-maya pa ay may bumuhos sa katawan kong malamig na tubig. Siguro yung sa bottled water na dala nila. "Ayan. Para malinis ka naman tignan. Hindi ka kasi kanais-nais tignan." Sabi nya at nagtawanan sila. Nagpumiglas ulit ako at nakawala na dahil pinakawalan na din nila ako. ________________________________ - Paul's POV - Tahimik lang ang paligid ko habang pilit kong sinasabi sa sarili ko na ayos lang ako. Nabully nanaman kasi ako nila Diane kanina. Palagi nalang nilang ginagawa sa akin 'to. Nakakasawa na. Nakaupo ako ngayon dito sa sala at nagmumuni-muni. Maya-maya pa ay biglang pumasok ang kapatid kong si Rylee at dahil maingay ay muhkang kasama nito ang mga kaibigan nya. Tama nga ako dahil sabay-sabay silang pumasok at napatingin sa akin. Agad namang sumama ang muhka ng kapatid ko. "Kuya, bakit nandito ka? Akala ko ba mamaya pa ang uwi mo?" Mataray nitong tanong. "I don't want to stay there. I think I'm gonna be dead tomorrow." Sabi ko at tumayo na. "Enjoy." Sabi ko at tuluyan nang umakyat sa kwarto ko. Doon ay agad akong nakatulog dahil sa sobrang tahimik ng paligid ko. — To Be Continued —

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook