Chapter 14

1697 Words
Chapter 14 - Stella's POV - Nang magising ako ay wala si Paul sa kahit saan. Medyo maayos na din naman ang pakiramdam ko kaya sinubukan kong tumayo. At tama ako, kaya ko nang tumayo. Dahan-dahan lang akong naglakad at pinipilit na walang makapansin sa akin. Hanggang sa makalabas na ako ay wala parin nakapansin sa akin. Para akong nagkaroon ng deja vu. Parang nangyari na din kasi ito sa akin noon, hindi ko lang alam kung kailan. Maya-maya pa ay nakahanap ako ng waiting shed. Naupo ako doon at doon ko napansin na wala na talaga ang anak ko. Wala na ang baby bumps na palagi kong hinahawakan at hinihimas palagi. Parang gumunaw na ang mundo ko dahil sa biglaang pagkawala ng anak ko. Pinunasan ko ang luhang tumutulo mula sa mata ko at tumingala pala pigilan ang pagtulo nito. Sobrang sakit ng mga pangyayari sa akin ngayong araw. Parang kanina lang ay masaya ako dahil may check-up ako ngayon at malalaman na namin ang gender ni Baby. Hindi ko alam kung ilang oras na ako doon. Nagpatuloy lang ang pagtulo ng luha ko at kahit pigilan ko ay hindi ko kayang gawin dahil sa lungkot at sakit na nararamdaman ko ngayon. Hanggang sa may bigla nalang tumawag sa akin. - Paul's POV - Agad akong lumapit sa mga taong naroon at wala kahit isa sa kanilang nakatakas si Stella. Masyado akong kinakabahan ngayon dahil wala namang dalang pera iyon at ang suot nya lang ay sobrang manipis. Nagpatawag na sila ng search party sa buong ospital habang ako naman ay pumunta sa parking lot para pumunta sa kotse ko. Pagdating ko sa kotse ko ay agad kong pinaandar ang kotse ko para hanapin si Stella. Kinakabahan na talaha ako masyado kasi baka kung ano ang mangyari sa kanya sa daan. Medyo madilim pa naman sa daan dahil walang mga street lights na nakabukas. Maya-maya pa ay may bigla akong nakitang waiting shed na parang may nakaupo. Parang si Stella. Agad kong lumbas ng kotse ko at lumapit sa kanya. "Stella!" Tawag ko sa kanya. Agad itong lumingon sa akin at pilit na ngumiti. "Nakita mo nanaman ako." Nakangiti nyang sabi. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang mga balikat nya. "Stella, tara na. Bumalik na tayo sa ospital. Hindi ka pa magaling. Magpagaling ka muna." Sabi ko sa kanya. Hinawakan nya ang muhka ko at pilit paring ngumiti. "Pwede mo ba akong pakawalan muna?" Tanong nya na nagdulot sa akin ng pagkataka. "Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan kong tanong. "Pagod pa ako, Paul, ehh. Pwede bang magpahinga ako?" Tanong nya sa akin. Nagsisimula na din syang umiyak kaya hindi ko na alam kung anong gagawin at hindi ko din sya maintindihan. "Halika. Bumalik na tayo sa ospital. Doon ka na magpahinga." Mahinahon kong sabi. "Paul, hindi ko pa kayang bumalik. Pakawalan mo muna ako." Sabi nya pa. Ilang minuto ko inisip ang ibig sabihin nya hanggang sa maintindihan ko nalang ito at parang gusto ko nalang managinip ngayon. "Stella..." Nagmamakaawa kong sabi at talagang naiiyak na din ako. "Paul, hindi ko pa kayang harapina ng kapatid mo. Baka hindi ko lang mapigilan ang sarili ko kaya hayaan mo muna akong lumayo." Sabi nya at hinawakan ang muhka ko saka hinalikan nya ako. Napapikit ako sa sarap non at parang gusto ko nalang halikan sya buong gabi. "Stella, mahal kita. Wag mo naman akong iwan." Naiiyak kong sabi. "Pangako, babalik ako sa oras na handa na ako. Kailangan ko lang magpalamig ngayon, Paul. Hindi ko pa kaya." "Sigurado kang babalikan mo ako?" Naiiyak ko paring tanong sa kanya. "Balang-araw. Babalik ako. Sana, sa oras na iyon, handa na tayong tumayo ulit." Sabi nya at ngumiti sa akin. Tumayo na sya at muli nang naglakad. "Stella, mahal mo naman ako, diba?" Pahabol kong tanong sa kanya. Agad syang humarap para sumagot. "Mahal kita. Mahal na mahal. Pero hindi ko pa kaya." Sabi nya at tuluyan nang umalis. Habang ako naman ay naiwan doong umiiyak at pinipilit na maging matatag. Sinasabi sa sarili kong tutuparin ni Stella ang pangako nyang babalikan nya ako. ________________________________ Nang makabalik ako ng bahay ay gising na si Daddy. Sinalubong ako nito ng pagtataka at gulat. Ako naman ay naiiyak parin dahil sa nangyari sa amin ni Stella ngayon. Naupo ako sa may kusina dala ang pagkaing pinadala ni Mommy. "Bakit umuwi ka na?" Tanong ni Dad sa akin. "She left me." Sagot ko. "She left you? What do you mean?" Naguguluhan paring tanong ni Dad. "Dad, she left me. Sabi nya, hindi nya pa daw kayang harapin si Rylee kaya iniwan na nya ako." Naiiyak ko nanamang sagot. "Where is she? Hindi pa sya ok." Nag-aalalang sabi ni Dad. "I don't know." Mahina kong sagot. Hindi na nagsalita pa si Dad at maya-maya pa ay umakyat na ako ng kwarto ko at makalipas lang din ang ilang minuto ay nakatulog na din ako. Nang magising ako ay tanghali na. Wala akong ganang kumain at parang wala din akong ganang tumayo. Parang gusto ko nalang matulog ng matulog dahil baka paggising ko, nasa tabi ko na ulit si Stella. Tumitig lang ako sa kisame ko at gusto ko nalang matulog ng matulog dahil ayoko pang tumayo sa higaan ko. Nanatili lang akong ganon hanggang sa makatulog kong muli. Hindi ko alam kung ilang beses akong nagising at natulog ulit. Parang namamanhid na din ang buong katawan ko. - Rylee's POV - Nandito ako ngayon sa sala at hinihintay ko si Jack. Nandito kaming lahat habang si Jack ay pumunta sa taas dahil inutusan sya ni Mommy tawagin si Kuya. Gustuhin man nilang ako ang tumawag sa kanya, hindi ko din naman kaya dahil sa nagawa ko. Hindi ko naman talaga sinasadya ang nangyari kay Ate Stella. Hindi ko din naman ginustong mahulog sya. Kung kaya ko man syang iligtas ng mga pahanong malapit na syang mahulog ay ginawa ko na sana kaso sobrang bilis ng mga pangyayari. Sobrang naguilty ako ng malaman kong nakunan sya, I know it was an accident but it's still my fault. Ngayon, hindi na tuloy alam kung paano ko haharapin si Kuya. Lalo na't nalaman kong iniwan na din sya ni Ate Stella. Parang sobra akong naawa sa kuya ko kasi sya ang pinaka naghihirap sa mga ginawa ko ngayon. Parang sya ang pinaparusahan sa mga ginawa ko. Bumaba na si Jack at agad nila syang sinalubong. "Nasaan na si Paul?" Tanong nila Mommy kay Jack. "Natutulog nanaman. Kanina pa nga sya natutulog, ehh." Malungkot na sabi ni Jack. "Paano yan? Kanina pa sya walang kain, baka sya naman ang magkasakit nyan." Sabi ni Mommy at halata ang pag-aalala. Ako naman ay lalong nalungkot dahil ako ng dahilan kung bakit sya ganito ngayon. - Third Person's POV - Lumipas pa nag ilang mga araw ay walang pinagbago si Paul. Habang tumatagal ng tumatagal ang mga araw ay lalo lang syang nagiging malungkot habang ang pamilya nya ay lalo lang din nag-aalala para sa kanya. Habang lumilipas ang mga araw ay mas lalo lang din pumapasok sa isip ni Paul na hindi sya pwedeng balikan ni Stella kung ganon sya. Hanggang isang araw, after 2 weeks of being absent-minded, bigla namang tumayo si Paul. Shempre, nagulat ang mga tao sa pagbabalik nya. Nagulat ang pamilya nya dahil sa bigla nalang paglabas ni Paul. Bigla nalang itong tumayo at bigla nalang ginustong pumasok. Pero dahil ito ang guato ni Paul, wala na silang magagawa. "Are you sure na papasok ka na ngayon?" Tanong sa kanya ni Claire. "Mom, I'm totally fine now. I think I can handle everything for now on." Mahinahon at nakangiting sagot ni Paul. Nagpatuloy lang ang pag-uusap nilang lahat habang si Rylee naman ay tahimik at hindi makatingin ng maayos sa kuya nya. Lumipas pa nga ang ilang araw ay tuluyan nang bumalik sa dati si Paul. Akala nila ay sa una lang magiging maayos si Paul pero nagtuloy-tuloy pa ito. Habang si Rylee ay hindi parin kayang harapin ang kuya Paul nya. Fourth year na ngayon si Paul at isang taon nalang ang hihintayin nya para makagraduate na sya. Hindi na sya makapaghintay makapag-trabaho at maging successful para hanapin si Stella. Habang may ginagawa sya ay may biglang kumatok sa pinto nya. "Sino yan?" Malakas na tanong ni Paul. "It's me, Paul." Sabi ni Claire galing sa labas ng kwarto ni Paul. "Pasok ka, Mom. Bukas yan." Sabi nya at itinigil muna ang pagsasagot nya sa assignment na ginagawa nya. "Hi." Mahinang bati sa kanya ng ina. Naglakad ito papunta sa kama nya at naupo sa may tabi ng kama nya. "What brings you here, Mom?" Tanong ni Paul sa ina. "I find this nung naglilinis ako kahapon. Tinanong ko na sila Rylee kung sa kanila ba tong necklace na to but walang kahit isa sa kanila ang kumuha. I think kay Stella to." Mahaba nitong sabi at ibinigay kay Paul ang kwintas na sinasabi nito. Marahan itong ngumiti kay Paul at hinawakan ang balikat nya bago lumabas ng kwarto ni Paul. Si Paul naman ay napatitig sa kwintas na ibinigay ng Mommy nya at wala sa sariling nagsimula nanaman syang umiyak ng walang tigil. Hanggang sa matapos sya ay may bigla syang naalala. Tumayo sya at pumunta sa kwarto ni Rylee at kumatok. "Sandali." Matamlay na sabi nitong sabi. Bumukas ang pinto at nahalata ni Paul ang gulat sa muhak ni Rylee. "K-Kuya?" Tanong nito. "Yeah..." Naiilang na sabi ni Paul. Pinapasok sya ni Rylee at pinaupo sya nito. "What bring you here, kuya?" Tanong ni Rylee sa kuya nyang nakaupo sa harap nya. "I just want to say that it's ok and it's not your fault." Sabi ni Paul. Nginitian nya ang kapatid at tumayo ay niyakap ito. "I'm sorry for letting you blame yourself for what happened to me and to Stella." Sabi nya habang yakap ang kapatid. Maya-maya pa ay nagsimula nang umiyak si Rylee. Ang ito ang simula ng muling pagtayo ni Paul. Muli nyang pagbawi sa mga pahanong nawala sa kanya. Muli nyang pagbango para sa sarili nya at para sa pagbabalik ng babaeng mahal nya at patuloy nyang mamahalin. - To Be Continued - (Sat, February 12, 2022)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD