Chapter 11 - Stella's POV - Nakaupo kami ngayon ni Paul at magkatabi kami sa isang mahabang sofa. Pareho kaming nakatingin sa papel na hawak ko at naroon ang litrato ng ultrasound ng batang tatlong linggo na pala sa sinapupunan ko. Nagkatinginan kaming dalawa at pareho kaming nababalot ng masayang pakiramdam at sobrang kasiyahan lang ang nararamdaman ko ngayon. Maya-maya pa ay lumabas na kami sa ospital at dumiretso kami sa bahay namin ni Lexi. "Are you sure kaya mo na? Baka pwede naman akong matulog dito?" Sabi nya. "Ano ka ba. Babae kaming dalawa dito ni Lexi. Next time nalang kapag pwede si Allen." Sabi ko at niyakap ulit sya bago sya umalis. Napabuntong-hininga ako at parang napakadaming nangyari ngayong araw. Pagpasok ko ng bahay ay nakarinig ako ng mga tunog na hindi ko d

