bc

Forced to Be His One-Night Mistake

book_age18+
2.7K
FOLLOW
55.6K
READ
fated
opposites attract
second chance
heir/heiress
drama
office/work place
disappearance
addiction
like
intro-logo
Blurb

Everyone believed Hannah Kim Diaz was the villain in Owen and Sidney’s perfect relationship.

The woman everyone believed had shamelessly seduced her best friend's fiancé. The reason their perfect engagement fell apart. The woman Owen Connelly swore he would never forgive.

Pero walang nakakaalam kung ano ang buong katotohanan.

Isang maling desisyon ang ginawa ni Hannah na ang kapalit ay ang galit ng lalaking tanging minamahal ng puso niya. Isang desisyong nagpabago sa lahat. Pinili niyang manahimik, akuin ang kasalanang hindi naman sa kaniya, at protektahan ang taong hindi man lang lumingon para iligtas siya. Habang ang tunay na may sala ay malayang nakalayo kasama ang lalaking ipinagpalit nito kay Owen, at si Hannah ang naiwan upang akuin ang lahat ng galit, poot, at pagkamuhi ng isang Owen Connelly. Pero ang galit na 'yon ni Owen at ang planong paghihiganti sa babaeng sumira ng buhay niya, at ina ng anak niya ay unti-unting napalitan ng pagmamahal, hanggang sa ito na ang naging sentro ng mundo niya.

But how long can a lie survive?

Hanggang saan maitatago ni Hannah ang katotohanan kay Owen?

Ano ang gagawin ni Owen sa oras na matuklasan niya ang buong katotohanan?

Ano ang gagawin ni Owen sa oras na malaman niya na ang babaeng inakala niya na totoong nagmamahal sa kaniya ay nagpabuntis sa iba, at ginamit si Hannah upang pagtakpan ang pagtataksil nito?

Halina at samahan sina Owen Connelly at Hannah Kim Diaz sa isang kwento ng pag-ibig, pagtataksil, at mga katotohanang babago ng lahat sa buhay nila.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 -Utang na loob-
Hannah's POV "What? Buntis ka? Paanong nangyari na nabuntis ka samantalang dalawang buwan nang hindi bumabalik dito si Owen? Tell me the truth, Sidney... what really happened?" Gulat na tanong ko. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Buntis ang kaibigan kong si Sidney, pero two months nang hindi bumabalik dito sa US ang fiancé niya. Paanong nangyari na five weeks pregnant siya kung nasa Pilipinas naman si Owen? Natatakot ako para sa kaniya. Isang CIA agent ang fiancé niya at alam kong hindi matatanggap ni Owen ang ginawa niya. Bakit niya niloko si Owen samantalang alam naman niyang mahal na mahal siya nito? I couldn't help but feel hurt for Owen. "Keep your voice down! Baka may makarinig sa'yo! Do you ever think before you speak, Hannah?!" Sabi niya, ramdam ko ang pagkainis niya sa akin. Mabilis niyang tinakpan ang bibig ko bago tumingin sa paligid at isinara ang pintuan ng kaniyang silid. Mababakas sa mga mata niya ang matinding pangamba. "Ano ka ba? Alam mo naman na nandiyan ang dad ko, hindi ba? Bakit hindi ka nag-iisip? Paano kung marinig ka nila? Kaya ko nga sinasabi sa'yo ang problema ko para matulungan mo ako, hindi para mas lalo mong guluhin ang sitwasyon ko." Hindi ako nakakibo. Humingi na lamang ako ng paumanhin sa kaniya. Gusto kong marinig mula mismo sa kaniya kung ano ang nangyari, pero hindi naman niya sinasagot ang mga tanong ko. Hindi siya mapakali. Kita ko ang takot sa mga mata niya dahil kilala niya si Owen at alam niya kung paano ito magalit. Kung sino man ang ama ng dinadala niya sa kaniyang sinapupunan... I'm sure it's not Owen. Pero paano nangyari iyon samantalang halos araw-araw kaming magkasama? Maliban na lamang sa gabi dahil magkahiwalay kami ng silid. "Kapag nalaman ito ni Owen, papatayin niya si Austin. Papatayin niya ang lalaking mahal ko at baka pati ako ay saktan niya, Hannah. Natatakot ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Buntis ako, at hindi niya pwedeng malaman ang tungkol dito." Napatingin ako sa kaniya. Sinong Austin ang tinutukoy niya? At ano ang ibig niyang sabihin na mahal niya ang lalaking 'yon? Ikakasal na sila ni Owen. Tinanggap niya ang proposal nito two months ago nang huli itong magpunta rito, kaya bakit niya sinasabing mahal niya ang lalaking nagngangalang Austin? Paano niya ito nakilala nang hindi ko man lang namamalayan? "Hannah, hindi ba at babalik ka na sa Pilipinas sa susunod na linggo? Two weeks na lang 'yon, hindi ba?" Tanong niya. Kumunot ang noo ko, pero tumango ako. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko ay may pinaplano siyang hindi ko magugustuhan. Kinakabahan akong nakatitig sa kaniya. Sa paraan pa lamang ng pagkakatingin niya sa akin, parang may masamang mangyayari sa buhay ko. "Halika rito, Hannah. Ikaw lang ang makakatulong sa akin para makawala ako kay Owen. Hindi ko na siya mahal, Hannah. Si Austin na ang itinitibok ng puso ko. Pero ikaw... alam kong mahal mo ang boyfriend ko. Alam ko 'yon, at hindi mo maipagkakaila sa akin. Nuon pa man ay alam ko nang mahal mo si Owen dahil nakikita ko 'yon sa mga mata mo. Pero hindi ako galit. Normal lang 'yon dahil sobrang gwapo naman talaga ng nobyo ko. Pero hindi ko na siya mahal kaya tulungan mo ako. Ayaw mo ba nuon? Mapapasaiyo na ang lalaking itinitibok ng puso mo. Please, Hannah. Kailangan ko ng tulong mo. May plano ako, at ikaw naman ang makikinabang sa lahat kaya please, pakinggan mo muna ako." Nabigla ako. Napaatras ako ng isang hakbang habang sunod-sunod na umiiling. Oo, may pagtingin ako kay Owen nuon pa man, pero kailanman ay hindi ako gumawa ng kahit anong hakbang para mahalata niyang may lihim akong nararamdaman para sa kaniya. Hindi rin ako desperada para ipaalam ang tunay kong nararamdaman. Sapat na sa akin na makita silang masaya sa isa't isa. Wala akong balak manira ng relasyon at lalong hindi ko pinangarap na agawin si Owen sa kaniya. Minahal lang siya ng puso ko, pero hanggang duon lang 'yon. Isang damdaming alam kong kailangan kong sarilinin. "Teka lang... bakit ako? Ayoko, Sidney. Kung ano man 'yang plano mong 'yan, ayokong maging bahagi nito. Huwag ako ang gamitin mo. Nakikiusap ako sa'yo." Naiiyak kong sabi. "Please. Kailangan ko ngayon ng tulong mo. Ngayon ako hihingi ng kapalit sa ginawa kong tulong para sa iyong ama. Kung hindi dahil sa akin, nabubulok na sana siya sa kulungan sa dami ng utang niya. Tinulungan din kitang makarating dito sa America para makapagtrabaho ka at masuportahan mo ang mga magulang mo. I'm so sorry kung gagamitin ko ang mga iyon sa'yo ngayon, pero ito lang ang paraan para tulungan mo ako." Napapailing ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. "Sabi mo nuon, may utang na loob ka sa akin. Ito na 'yon, Hannah... ang kabayarang gusto ko. Gawin mo ito para sa akin, please. I'm your best friend, and you owe me. It's not just one favor, at hindi lang dalawa. You owe me everything, and you know it." Tumulo ang mga luha ko. Hindi ko akalaing darating ang araw na gagamitin niya laban sa akin ang lahat ng naitulong niya sa pamilya ko. Best friend ko siya. Para na kaming magkapatid, pero sa mga sandaling iyon ay pakiramdam ko, wala palang halaga sa kaniya ang pinagsamahan namin. "Please, Hannah. Tulungan mo ako." Pakiusap pa niya. Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga nang malalim habang pilit na kinokontrol ang pagpatak ng aking mga luha. "A-ano ba ang gusto mong gawin ko?" Tanong ko, nanginginig ang boses ko. Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko at tinitigan siya. Gusto kong makita niya kung gaano ako nasasaktan at kung gaano ko ayaw sa anumang pinaplano niya. "Sasama ako sa'yo sa pag-uwi mo sa Pilipinas, pero hinding-hindi iyon malalaman ni Owen. Ang gusto ko, puntahan mo siya sa condo niya. Kunwari ay may ipinabibigay akong pasalubong para sa kaniya. Tapos ayain mo siyang uminom ng beer at ilalagay mo ang gamot na ito sa inumin niya. Gumawa ka ng paraan para mawaglit siya saglit sa iniinom niya. Hindi niya ito malalasahan at mabilis itong matutunaw sa inumin. Kapag tumalab na ang gamot, mawawala siya sa sarili niyang katinuan at hindi niya makokontrol ang sarili niya. Please, gawin mo 'yan para sa akin." Bigla akong napaatras ng ilang hakbang. Gusto ko nang lumabas ng silid niya, pero parang ipinako ang mga paa ko sa sahig. Best friend kaming dalawa, pero bakit parang handa niyang sirain ang buhay ko para lamang makuha ang gusto niya? "Ito ang plano ko... susulpot ako kinabukasan at mahuhuli ko kayong dalawa sa loob ng condo niya. Pagkatapos ay magpapanggap akong biktima ng panloloko ninyo. Magagalit ako sa inyong dalawa at kahit ano pa ang gawin ni Owen, hindi ko siya patatawarin. Iyon na ang magiging pagkakataon ko para sumama kay Austin. Please, I know na hindi mo ito ikatutuwa, pero ito lang ang alam kong paraan para magkaroon ako ng dahilan na tapusin ang relasyon namin. Please, Hannah. Gawin mo ito para sa akin bilang kabayaran sa lahat ng naitulong ko sa pamilya mo at sa'yo." Napahagulgol ako. Hindi lang ang buhay ni Owen ang handa niyang sirain, pati ang sa akin. Bakit kailangan niyang gamitin ang utang na loob namin sa kaniya para maisagawa ang plano niya? "Pero Sidney, buhay ko ang magiging kapalit sa gusto mong mangyari. Ako ang papatayin ni Owen kapag ginawa ko ang plano mo. Alam nating pareho kung gaano ka kamahal ni Owen. Papatayin niya ako kung ako mismo ang magiging dahilan ng pag-iwan mo sa kaniya, naiintindihan mo ba 'yon? Ilalagay mo ba talaga ang buhay ko sa kapahamakan? Para na tayong magkapatid. Huwag namang ganito." Umiiyak akong nakiusap sa kaniya. Matalik kaming magkaibigan, magkababata at halos sabay na lumaki. Hindi ko matanggap na kaya niya akong gamitin para sa sarili niyang kapakanan kahit alam niyang maaari akong mapahamak. "Hindi ka niya sasaktan, maniwala ka sa akin. Alam niyang magagalit ako sa kaniya kaya wala siyang gagawin sa'yo na ikapapahamak mo. Magtiwala ka. Malay mo, makuha mo ang puso niya at mapaibig mo siya kapalit ko. Siguraduhin mo rin na mabubuntis ka para maibaling niya sa'yo ang pagmamahal na inuukol niya sa akin at tuluyan na rin akong makawala sa kaniya. Please, kapalit ito ng mga itinulong ko sa pamilya mo. Kapag hindi mo ito ginawa, magpapakamatay ako sa harapan mo, Hannah. Promise, gagawin ko talaga para makonsensya ka." Lalo akong napahagulgol. Masakit marinig ang lahat ng iyon mula sa kaniya. Hindi ko maintindihan kung paano nagawang gamitin ng taong itinuring kong kapatid ang utang na loob ko at pati ang sarili niyang buhay para pilitin akong gawin ang gusto niya. Pinunasan ko ang mga luha ko bago ako tuluyang tumayo at marahang tumango bilang pagsang-ayon. Pagkatapos ay tinalikuran ko na siya. Hindi ko na siya nilingon kahit ilang beses niyang tinawag ang pangalan ko. Masyadong mabigat ang sama ng loob ko sa kaniya. "Hannah, mamahalin ka ni Owen. Hindi ka niya sasaktan. Ang lahat ng plano natin, hindi niya dapat malaman. Ititikom mo ang bibig mo at dadalhin mo hanggang sa hukay ang sikreto nating 'yan kung ayaw mong patayin ako ni Owen, naiintindihan mo ba? Papatayin ako ni Owen, at konsensya mo 'yan kapag nangyari 'yon. Ikaw ang sisisihin ng buong pamilya ko at ng lahat ng taong malapit sa akin." Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad na para bang wala akong narinig hanggang sa tuluyan akong makalabas ng silid niya. Pagkarating ko sa sarili kong silid, napaupo ako sa sahig at hinayaan nang tuluyang bumagsak ang mga luha ko. Tama siya, malaki ang utang na loob namin sa kaniya, pero hindi ko inakala na ito ang magiging kapalit ng lahat ng naitulong niya sa amin. Mahirap man ang buhay na kinagisnan ko, hindi ko kailanman ginustong manggamit ng ibang tao para lamang makuha ang gusto ko. Ako si Hannah Kim Diaz, at nandito ako sa America dahil kinuha ako ng best friend kong si Sidney para maging personal niyang alalay. Malaki ang utang na loob namin sa kaniya, pero ngayon ay sinisingil na niya ako, at ang kapalit ng lahat ng tulong niya nuon sa amin... maaaring ang sarili kong buhay. Totoo ang sinabi ni Sidney. Matagal ko nang mahal si Owen, pero alam kong kailanman ay hindi niya ako mamahalin dahil si Sidney ang buhay niya. At kapag nawala sa kaniya si Sidney dahil sa akin... baka ako ang pagbuntunan niya ng galit. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kapag naisagawa ko na ang gusto ni Sidney. Ito na ba ang magiging katapusan ng buhay ko? Mapapatawad kaya ako ni Owen sa kasalanang gagawin namin sa kaniya? Hindi ko alam. Ang alam ko lang... natatakot ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

The Probinsyana's Two Husbands

read
28.7K
bc

THE DESIGNER’S MUSE

read
2.3K
bc

He Divorced His Precious Wife Now He Regrets It (R18 Tagalog)

read
3.3K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
115.3K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
2.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook