Antarah's POV Pagmulat ko ng aking mga mata ay puting kisame agad ang sumalubong sa akin. Nasaan ako? Naramdaman ko namang nauuhaw ako. "T-tubig" mahina kong sambit. "Boss gising na si Miss Antarah" narinig kong sambit ni Storm. Nakarinig naman ako ng yabag na papalapit sa aking kinahihigaan. "God baby" sabi niya sakin tsaka niyakap ako. "Tubig" mahina kong sambit. "Give me some f*****g water" sambit ni Kyle sa kanila ni Storm kaya agad naman kumilos ang nga ito at inabot kay Kyle ang tubig na nasa mineral bottle. Binigay niya naman iyon sa akin kaya kinuha ko at ininom. Pagkatapos kong uminom ay binigay ko sa kanya ang buti tsaka siya sinamaan ng tingin. "What baby?" tanong niya sakin habang hawak hawak ang kamay ko at hinalik halikan ito. "Mag-uutos kalang tapos may mura pa" sabi

