Antarah's POV Isang buwan na ang lumipas simula nong na hospital ako at nandito ako ngayon sa bahay. Wala si Kyle dahil nasa kompanya siya habang ako naman at sila ni Scarlet ay dito naiwan sa bahay. Delikado kasi sa labas eh dahil baka bigla bigla nalang sumulpot si Stephen. "Anong oras ba uuwi si Kyle?" tanong ko "Mamayang gabi pa yun beast" sabi ni Scarlet habang nagluluto siya ng pananghalian namin. "Oo nga Miss Antarah mamayang gabi pa yun nag text na sakin si Marco na gagabihin daw sila" sabi ni Gracie. "Sus walang forever" sabi ni Winter. "Sayo wala, sakin meron"sabi ni Gracie na para bang kinikilig. Noong nakaraang linggo nanligaw sa kanya si Marco at ayun sinagot niya agad ewan ko ba sa babaeng ito. Ang daming nalalaman na ka echosan. Habang si Scarlet at si James naman ayu

