SIX: The Answers

435 Words
"WHAT DO YOU WANT TO EAT, BABY? Gusto mo ng apple? Gusto mo ipaghiwa kita?" ang tanong ni Mayo kay Nikka. Naroon sila sa garden at nag-aagahan. Nakauwi na sila ng Nueva Ecija, sa bahay na binili niya may dalawang taon na ang nakaraan. It was her very first investment. Binili niya ang bahay na iyon nang mapagdesisyunan niyang pabalikin na ng Luzon ang Tita Coki niya at si Nikka. Sa Zamboanga City kasi ito naninirahan dati. Pumayag ang doktor na ilabas nila ng ospital si Nikka. Hindi na raw naman kasi delikado ang kalagayan nito. Kailangan lang nitong mag-maintain ng mga gamot. Saka lang sila luluwas ng Maynila kapag may naka-schedule itong check-up. "Nakakatuwa naman kayong pagmasdan, para talaga kayong mag-ina," narinig niyang wika ni Tally, ang yaya ni Nikka. "Sana ikaw na lang ang naging mommy ko, Tita Mayo. Para sana, may mommy pa ako," ang wika ng bata sa malambing na boses. Pakiramdam ni Mayo ay may kung anong biglang bumara sa lalamunan niya. She had to swallow an imaginary lump on her throat to compose herself. Pagkatapos ay makahulugan silang nagkatinginan ni Tita Coki. "WHAT'S HER NAME AGAIN?" ang tanong ni Cal, ang may-ari ng detective agency na hiningan niya ng tulong before. Nasa opisina sila nito, pinapanood ang viral video sa YouTube. "Mayo Redoblando," ang sagot ni Ralph dito. "So, you think that this Mayo Redoblando at iyong Maria Eunice Toledo na ipinahanap mo sa akin dati ay iisa?" anito. He nodded. "I just don't think. I am sure now," he said. Carl nodded, eyes still fixed on the TV. "I just wanted a confirmation," Ralph continued. "Gusto kong malaman ang lahat ng tungkol sa Mayo Redoblando na 'yan. Kung nag-asawa ba siya, kung may anak ba siya, kung ano ang naging buhay niya dati --- everything! I wanted to know everything about her. And I wanted the result as soon as possible." "Okay, walang problema," anito. "Kung tama man iyang hinala mo, I assure you, makukuha mo ang kasagutan sa lahat ng mga katanungan mong iyan bago matapos ang linggong ito. Hindi na kita bibiguin this time, Ralph." "Thanks, Cal. Aasahan ko ang tulong mo," aniya dito. Ramdam niya ang biglang pagkabuhay ng excitement sa kanyang damdamin. He thought he had moved on, hindi pa pala. His imagination was starting to run wild. Pano nga kaya kung itong si Mayo Redoblando na nga ang babaeng hinahanap niya? At papano nga kaya kung talagang nagkaanak sila? His questions were endless. And they were something he had to find answers to as soon as possible.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD