"HOW ARE YOU, BABY?"
Pinigilan ni Mayo ang maiyak habang pinagmamasdan ang anak. Naroon ito sa ospital, nakahiga sa kama. Sa ganoong ayos niya ito inabutan.
Nasa Maynila sila. Noong makumpirma nilang may sakit nga sa puso ang anak ay ipinadala niya ito sa Maynila para sa mas advance na mga tests.
Nikka looked okay pero ayon na rin sa doktor na nakausap niya kani-kanina lang, hindi pa talaga maganda ang kalagayan ng bata. Kailangan pa ang masusing obserbasyon sa kondisyon nito.
May congenital heart disease daw ang anak niya, bara sa puso na dala na nito mula pa pagkasilang. Hindi naman daw ganoon kalala ang sitwasyon ng bata, baka nga pwedeng idaan sa oral medication. Pero kapag hindi naging ganoon kaganda ang reaksiyon ng bata sa mga iinuming gamot ay saka pa lamang daw nila iko-consider ang mas komplikadong treatment options katulad ng surgery.
Huwag naman sana, she silently prayed. Sanay huwag namang humantong sa operasyon ang lahat.
"I'm okay, Tita Mayo," ang sagot ni Nikka sa kanya. "Happy po ako at narito kayo."
The little girl smiled and it melted her heart.
Naroon na naman ang bahagyang kirot sa kanyang didbib sa tuwing tinatawag siyang "tita" ng anak niya.
Oh, how she wanted to hear her call her "mommy" kaso hindi pa talaga pwede. Hangga't maaari ay walang pwedeng makaalam na may anak siya. Sa katunayan ay tatlong tao lamang ang nakakaalam na may anak siya --- siya, ang Tita Coki niya at si Alain.
"I'm glad to know you're okay. By the way, I've got something for you." Itinaas niya ang dalang barbie doll.
Namilog ang mga mata ng bata.
"Wow! May bagong barbie na naman ako! She's so pretty, just like you, tita. Thank you, Tita Mayo! I love you!" anito habang excited na kinuha ang laruan mula sa kamay niya.
"I love you, too, baby," she said as she choked back tears.
Bigla-bigla ay naalala niya ang lalaking nakabanggaan sa airport.
Huwag naman sana, ang piping dasal niya. Huwag naman sanang mag-krus muli ang mga landas nila. Sana'y iyon na ang huli nilang pagkikita.
"WAIT, WAIT! Sino 'yan?" ani Ralph sa katulong na inabutan niyang nanonood ng TV sa may kusina. He was about to ask one of the maids to fix him his brunch nang makuha ang kanyang atensiyon ng babaeng naka-close-up shot sa telebisyon.
"Po?" ang disoriented na balik-tanong nung katulong sa kanya.
"That girl on TV, who is she?" aniya.
"Ay, si Mayo Redoblando ho 'yan," anito.
"Mayo Redoblando?" he parroted.
Noon pumasok ng kusina ang nakababata at nag-iisang kapatid niya, si Raiza.
"Yes, Mayo Redoblando, one of the rising Filipinas in the international fashion scene," sabat nito.
"Ramp model?" ang baling ni Ralph sa kapatid.
"Yes. Super-sikat siya ngayon sa YouTube. Siya 'yong nahulog sa runway habang rumarampa," ang pagkukuwento nito habang nagsasalin ng malamig na tubig sa baso.
"Oh," aniya habang ang mga mata'y nakatutok sa telebisyon. At ang sumunod na katanungan ng reporter ang nagpa-doble bigla sa pintig ng kanyang puso.
"Totoo bang may anak ka?"
Kitang-kita ni Ralph ang pag-iba bigla ng ekspresyon ng mukha nito. He saw guilt flashed through her eyes bago ito mapaklang tumawa at saka itinanggi ang akusasyon ng TV reporter.
He was holding his breath the whole time, saka lang niya iyon napagtanto noong mag-TV commercial na. His heartbeat has doubled, too.
Mayo Redoblando. Mayo Redoblando, he kept repeating her name on his mind.
Could it be her? Could she be the same girl?
Maaaring malaki ang pinagbago ng hitsura nito pero hindi siya pwedeng magkamali.
Those eyes. Those pair of round, bewildered eyes. He couldn't be mistaken. It was her! It was really her!
Damn! He really has to know.