"I'M SORRY," narinig niyang wika nung lalaking nakabanggaan niya.
Agad na kinilabutan si Mayo nang marinig ang pamilyar na baritonong boses na iyon. Mahigit anim na taon na yata ang nakalipas pero tandang-tanda pa niya ang boses na iyon. It was etched in her memories like some childhood nightmare.
Pagtaas niya ng mukha ay lalo siyang kinilabutan. Staring back at her was Nikka's older, masculine version. The resemblance was unbelievable! She felt her whole body tremble.
It must be him!
Hindi rin nakaalpas sa kanyang paningin ang paglatay ng kakaibang reaksiyon sa pagmumukha ng lalaki. He looked surprised, too.
Mas lalo tuloy sumidhi ang pakiramdam niyang it was him! Ang taong ilang taon na din niyang pinagtataguan.
Mabuti na lamang at sa kanilang dalawa ay siya ang unang nakabawi mula sa matinding pagkabigla. Sinamantala niya ang pagkakataon, dagli siyang kumalas mula sa pagkakahawak nito at saka walang salitang nilayuan ito. Walang lingun-lingon siyang umalis. Lakad-takbo ang ginawa niya para makalayo. Daig pa niya ang hinahabol ng sandaa't-isang demonyo sa bilis niyang nakaalis mula sa lugar.
Sinuwerte namang agad siyang nakahanap ng bakanteng taxi. Saka lang siya nakahinga nang maluwag noong lulan na siya ng taxi palayo sa airport.
It must be him! Yes, she couldn't be mistaken! It must be him.
"HEY, RALPH! Are you with me? Mukhang naiwan yata sa Singapore ang utak mo, ah. Chick ba 'yan, ha? May kapalit na ba si Meagan?"
Tinapunan lang ni Ralph ng tingin si Aaron, ang college friend niyang isa na rin ngayon sa mga minor shareholders ng kompanya nila. Naroon sila sa soft opening ng pag-aari nitong restobar.
"I saw her, dude," aniya bago tinungga ang lamang dirty martini ng hawak niyang baso.
"Who? Si Meagan? She's here? Where?" Nagpalinga-linga ito.
"No, not Meagan," aniya. "That girl, man. That girl from Star of the Night some six years ago."
Tila nag-isip pa ito ng saglit bago tuluyang kumislap ang mga mata nito. Mukhang bigla itong naging interesado.
"Oh. Yung bagets na babymaker na tinakasan ka dati? Wow!" anito na tila hindi rin makapaniwala sa narinig. "So, where did you see her? Nagkausap ba kayo? Were you able to confront her?" anito.
Magkasunod na iling ang isinagot niya dito.
"Nope," aniya. "I wasn't able to talk to her. Ni hindi nga ako sigurado kung siya nga ba 'yon." It was a lie. He knew that it was her. He felt it.
"So where did you see her? Sa Singapore?" narinig niyang muling tanong ni Aaron.
"At the airport. I bumped into her. Literally," he said as he signalled the sexy bartender to pour him another glass.
"At the airport," Aaron repeated, tila nag-iisip.
Muli ay inisang tungga niya ang laman ng kanyang baso.
"So? What are your plans?" anito. "Sisimulan mo na naman ba ulit ang paghahanap sa kanya? Are you gonna need Tito Cal's help again?" anito na ang tinutukoy ay ang tiyuhin nitong may-ari ng isang security/detective agency.
Umiling siya. "No, I am not hiring a PI anymore. Hindi na kailangan. Tama na ang ginawa kong paghahanap sa kanya dati. Ni hindi nga ako sigurado kung siya nga 'yong babaeng nakabunggo ko sa NAIA," he said, more to convince himself and not Aaron.
"But come to think about it, Ralph," anito. "Pano nga kaya kung... kung siya nga iyon? What if you are destined to meet again? Baka may malaking dahilan kung bakit kailangan kayong magkita muli. Baka nagkaanak ka talaga sa kanya, dude."
Yes, that's very possible. Pero ayaw na muna niyang isipin ang tungkol dun. Ayaw niyang muling umasa't mabigo. He had moved on.