THREE: Fated Encounter

598 Words
MAGKAHALO ANG DAMDAMIN NI MAYO noong bumababa siya ng eroplanong nagdala sa kanya sa NAIA. Naroon ang excitement sa kanyang puso, dalawang taon na rin kasi niyang hindi nakita ng personal ang anak. Pero siyempre, naroon din ang lungkot dahil sa rason ng biglaan niyang pag-uwi ng bansa. Napabuntong-hininga siya. Wala na siyang ibang ginawa nitong mga nagdaang araw kundi ang ipagdasal na hindi naman ganoon kalala ang kondisyon ng anak. Hindi niya alam ang gagawin kung sakaling may hindi magandang mangyari dito. She was wearing a large-rimmed aviator sunglasses that covered almost half of her face. She was actually feeling silly on trying to hide herself. Kahit naman siguro ibuyangyang niya ang pagmumukha, eh, wala naman sigurong makakakilala sa kanya. She's not famous, for Pete's sake! Ganoon pa man, kailangan pa din niyang magtago, hindi man sa mga mata ng media, may isang tao naman siyang dapat na pagtaguan. Isang taong ni pangalan o hitsura ay hindi niya alam ngunit ilang taon na ring niyang ipinagdadasal na huwag makatagpo. Noong papalabas na siya ng arrival area ng NAIA ay talagang nagulat siya nang may biglang sumalubong sa kanyang babaeng may bitbit na mikropono. At base sa cameraman na nakasunod dito ay agad niyang nahulaang mga lokal na news reporters ang mga ito. Mukhang nagkamali yata siya ng akala, mukhang nakilala yata siya ng mga ito. Tama nga yata si Alain, the Levi's incident made her a "star" indeed. "Miss Mayo Redoblando, hello! Welcome back to the Philippines!" ang agad na bati nung reporter habang nakatapat na sa kanya ang dala nitong mikropono. Isang alanganing ngiti ang isinagot niya dito kasabay ng matipid na "thank you". "Totoo bang kaya ka napauwi ng Pilipinas nang wala sa oras ay dahil tinanggal ka ng agency na may hawak sa'yo dahil sa insidenteng nangyari noong fashion show ng Levi's? Were you fired?" ang walang kagatul-gatol na tanong nito sa kanya. "No, no. That's not true," ang mabilis niyang tanggi. Idi-dismiss na sana niya ito nang may dalawa pang showbiz reporters ang lumapit sa kanila, karay-karay ang mga cameramen nila. Gusto niyang manlumo dahil mukhang mahihirapan siyang lagpasan ang mga ito. The last thing she wanted is to cause a commotion. "Anong masasabi mo sa balitang scripted daw 'yong pagkahulog mo sa runway? That you basically did it to catch everyone's attention?" ang tanong naman nung bagong dating na reporter. "Of course, not," ang maikli niyang sagot while faking a smile for the benefits of the cameras. "Totoo bang may anak ka?" anang isa pang reporter. Saglit siyang natilihian sa narinig. Nang makabawi ay pinilit niyang magpakawala ng isang pagak na tawa. "That's nonsense," aniya sa mga ito. "So, hindi totoo?" "No. Of course, not," ang mariin niyang tanggi. "Eh, yung tungkol---" Hindi na hinintay ni Mayo na matapos ng reporter ang katanungan nito. Kaagad na siyang umiwas. "I'm so sorry but I've got an appointment to catch," aniya bago dali-daling naglakad palayo sa mga ito, karay-karay ang kanyang maleta. Ngunit talagang nagtangka pa ang mga itong habulin siya kaya't lalo pa niyang binilisan ang paglalakad. Sa kagustuhang maiwasan ng tuluyan ang mga makukulit na reporters ay hindi niya namalayang may makakasalubong na pala siya. At bago pa siya makaiwas ay bumunggo na siya sa isang matigas na bulto ng katawan. Kung hindi pa naging maagap ang nakabanggaang lalaki sa pagsapo sa kanya ay baka nawalan na siya ng balanse at tuluyan nang natumba. Pero dahil mabilis nitong nahawakan ang bewang niya, hindi siya bumagsak sa sahig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD