STSB Prologue
Rolyn POV
NANDITO ako ngayon sa isang bar na pagmamay-ari ko pero hindi nila alam na ako ang big boss ng Neon Nights Bar. Walang nakakaalam sa totoong Rolyn Montemayor. Even my identity is still hidden. I need to hide my identity for my safety. Gusto ko lang maging ganito. Ilan lang sa mga tauhan ko ang nakakaalam na sa tunay na ako. Mga trusted friends, tauhan at mga relatives ko lang ang nakakaalam. Pero sa nangyayari ngayon parang gusto ko nang ipagsigawan sa mundo na ako si Rolyn Montemayor. I want to slap it to Gil’s freaking face, my cheater ex-boyfriend na hindi naman kagwapuhan.
Hindi niya alam na ako si Rolyn Montemayor. Ang kapal ng mukha niyang saktan ang isang tulad ko! Ako si Rolyn Montemayor na iniwan at ipinagpalit niya? Me, who is a goddess billionaire na pinagtaksilan ng kutong lupa na iyon. Hindi alam ng lalaking iyon kung sino ang pinakawalan niya at hindi rin naman siya kawalan sa akin. Kapag nagpakilala kasi ako sa mga tao ay ibang pangalan ang ginagamit ko. I’m not using my real name. I prefer to use my nickname most of the time.
And it's Aya, and I were using the middle name of my mother. I am Aya Impas to those people na ‘di ko masyadong kilala. Kaya ang lakas ng loob ng Gil na iyon na maghanap ng iba. Di hamak na mas maganda naman ako sa ipinalit niya sa akin. I am the goddess billionairess, if he only knew. But I don’t care anymore. He is just a waste of my precious time. Pero sobrang sakit dahil minahal ko ang gagong iyon. I invested my time, effort and my love to him but he’s a rascal jerk to cheat on me. That thick face bastard!
Hindi ko mapigilan ang pamamasa ng gilid ng mga mata ko. Ikinurap-kurap ko ang aking mga mata para pigilan sa pagbagsak ng mga luha ko pero hindi iyon nakatulong. Sunod-sunod na bumagsak ang masagang luha sa aking psingi. Jeez! It hurts! Para bang binibiyak ng matalim na kutsilyo ang puso niya sa sakit. Wala akong nagawa kung hindi ang mapahagulgol na lang.
“Lyn, enough. Lasing ka na.” Saway sa akin ng best friend ko. Napaangat ako mula sa pagkakayokyok. Walang buhay ang mga matang tiningnan ko siya bago pinunasan ko ang aking mga luha.
“Don’t waste your tears to that bastard, he is not worth it. It’s just a massive waste of your time. Cheer up, Lyn. Ipakita mo sa kaniya kung sino ka ba talaga. Hayaan mong siya ang gagapang pabalik sa ‘yo.” May galit akong nababanaag sa mga mata niya.
Mabuti na lang at nandito ang aking kaibigan para pagaanin ang loob ko at damayan ako. Ganito talaga ang babae sa tuwing may sawi sa pag-ibig sa aming magkakaibigan. Taga-comfort at minsan pa ay sinasabayan ng pangmalakasang hugot niya.
Geneveve Calderon, the boyish among us. A well-known thirty years old pure Filipino designer in Europe and Asia. She’s the owner of Designer Cloths. Siya mismo ang nagde-design ng mga damit na binibenta sa mga botique niya. She is one of my three best friends. Pero ewan ko sa tatlong iyon kung nasaang lupalop sila ng mundo. Kung saan-saan pumupunta. Hindi man lang sila pumunta para damayan ako.
“Lasing ka na. Let’s go home.”
“Gusto kong maglasing, Eve. Gusto kong makalimutan ko ang sakit na ginawa ng lalaking iyon sa akin.” Ito na naman ang luha ko. Isa-isa na namang naglalaglagan.
“Oh, you love him that much?” tanong ng isang boritonong tinig. Nginitian ko ang nagsalita pero hindi umabot iyon sa aking mga mata.
“Oh, hi. Brent, how are you?” I asked and compose myself to stand. Marami rami na rin naman aking nainom kaya hindi maiwasang mabuwal at muntik nang matumba kung ‘di pa ako naagapan ni Brent. Napahagikgik ako sabay kapit sa kaniya.
Brent Devilla, owner of the secret agent agency. Siya ang may hawak ng mga professional na agent ng bansa. Sikat ang kompanya niya sa mga nasa alta-sosyedad dahil dekalidad ang mga agent niya. Magagaling at walang mintis sa trabaho. Sa kaniya rin ako kumukuha ng mga PI at magpo-proteksiyon sa akin kapag may mga pagkakataong nasusuong ako sa panganib o ‘di naman kaya ay nagka-aberya.
That’s the advantage of having a friend like him. Nakakatuwa ang magkaroon ng ganoong kaibigan. Madaling malaman may mga umaahas sa kaniya. Sa kaniya ko nalaman na matagal na pala akong niloloko ng hayop na Gil na iyon. The nerve of that bastard!
“Let’s go, Brent. Iuwi na natin siya,” utos sa kaniya ni Eve.
Kaagad naman niyang sinunod ang hugotera kong kaibigan. Isa pa ang lalaking ito, parang buntot ni Eve, since high school pa yata. Parang mighty band na hindi na humihiwalay kay Evne. Kinarga ako ni Brent patungong sasakyan ko. Sa back seat nila ako inilagay. Sa passenger’s seat naman si Eve at si Brent ang nagmaneho. Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas bago kami makarating sa apartment ko. Nang maihiga nila ako sa kama ay umalis na sila sa kwarto ko. Nakatira ako sa isang simpleng apartment, hindi man kagandahan pero puwede nang tirahan. Ito naman talaga ang gusto ko. At saan ka naman nakakita ng mahirap na nakatira sa condo unit?I want to live as a low profile. Gusto ko ng privacy. Gusto ko na malaya akong nakakagalaw na walang medya ang nakabantay sa bawat kilos ko. Ayaw kong matanggap ng death threats sa buhay ko pero hindi iyon maiiwan. Porke’t mahirap ay hindi na nakatatanggap ng banta? No. Lalo na kung may mga kapitbahay na insecure sa kagandahan ko.
Napatitig ako sa kumukupas na kisame. Nakakalungkot ang mag-isa. Hindi ko mapigilan na mag-init ang aking mga mata. Kusang bumagsak ang masaganang luha mula sa aking mga mata. Masakit na rin ang mga mata ko dahil sa pag-iyak. Lalo na ang puso kong pinira-piraso ng walang modong lalaking iyon. I cried my heart out until passed out because of so much hurt and drunkness.
KINABUKASAN ay nagising akong medyo masakit ang ulo ko. Gosh! Hangover is a karma! Pinilit kong bumangon at nagtungo sa banyo. Nang matapos ako ay agad din akong bumaba. As expected, Eve and Brent are still there. Hindi pa rin sila umaalis. Kambal tuko talaga ang dalawang ito dahil parating magkasama.
“Hindi kayo umuwi? Sana iniwan niyo na lang ako. Okay lang naman ako rito,” saad ko kay Eve. Nakikisimpatya akong tinitigan ng kaibigan ko bago nagtungo sa kusina na tatlong hakbang lang mula sa sala.
Si Brent ang sumagot, “Ayaw kang ewan ng best friend mo. She is worried about you.”
I smiled at him. Nilingon ko si Eve na abala sa paghahanda ng breakfast namin. “I love you, best friend. Mahal mo talaga ako. How sweet of you.”
Nakasimangot niya akong tiningnan. “Sa susunod, magtira ka naman ng katinuan para makauwi kang mag-isa. Hindi ‘yong inaabala mo ako.”
Napatakip ako sa bibig at nanlaki ang mga mata ko. Kahit ganyan si Eve ay sobrang maasahan ‘yan.
“Masyado na ba akong pabigat sa iyo. Eve.” Pagdadamdam ko. Pinalungkot ko ang boses ko.
Ang gaga, pinagtaasan lang ako ng kilay. “Stop the drama, Lyn. Hindi bagay sa iyo.” Napabugtong-hininga pa ito. “Kung hindi lang talaga kita kaibigan, iniwan na kita sa bar na iyon.”
Ngiti lang ang tanging isinagot ko sa kaniya.
“Glaiza is calling, she invites us to her unwind. Baka nasaktan na naman ang gaga.”
“I’m in. Gusto ko ring mag-unwind. Gusto kong makalimutan kahit sandali ang pagiging heartbroken ko.”
“Okay, I’ll call, Glaiza.”
NANG ARAW rin na iyon ay umalis kami patungong port kung saan nakadaong ang mga yate na pagmama-may-ari ng pamilya ni Glaiza. Libo-libo ang nakadaong doon pero ang may kulay na silver at gold na yate magaganap ang unwinding party.
Glaiza Monticalvo, the spoiled and only heir of Monticalvo Corporation. Siya ang playgirl ng samahan namin. Kahit na ganyan ang babaitang iyan ay maasahan naman. She’s rich but I’m richer that her family. Ilang oras pa ang lumipas bago kami nakarating sa destinasyon naming. Libo-libo ang nakadaong doon pero ang may kulay na silver at gold na yate magaganap ang unwindingparty.
Bumaba na ako sa kotse ko at lumapit kami sa kinaroonan nina Glaiza.
"My God, Lyn, sana ang dinala mong kotse ay ‘yong pinakamahal n'yong sasakyan mo. Hindi ‘yang bulok mong kotse.” Sinulyapan pa niya ang kotse ko bago ibinalik ang tingin sa akin. “For your information, you’re not poor kaya. You’re the goddess billionaires. Since your grandparents died, ikaw na ang namamahala sa mga business niyo.”
Napaikot ako ng mga mata. “And how many times do I have to tell you that I want a low-profile life? Matagal niyo nang alam iyan.”
“Kaya nabu-bully ka dati sa school. Take note, sa pagmamay-ari mo pang school,” saad ng kararating lang na si Nickie.
Nickie Angeles, one of my best friends. Siya at si Glaiza ay magkapareho ng ugali. Lagi silang magkasundo kapag kalokohan ang pinag-uusapan. Ewan ko ba kung bakit ko naging kaibigan ang dalawang ito. Mga ayaw magseryoso sa buhay. May dalawang nakakatandang kapatid si Nickie pero hindi rin niya kasundo. Laging inaaway o ‘di kaya ay pinati-trip-an. Ang hilig sa kalokohan. Ako at si Eve lang ang matino sa aming apat.
She kisses me on my cheek at gano’n din ang ginawa niya kina Glaiza and Eve. Nickie look at Brent. Taas-kilay niya itong tiningnan mula ulo hanggang paa.
“Nandito na naman ang buntot mo?” she asked Eve. “Hindi ba puwedeng tayo-tayo lang muna?”
“Sinong buntot?” nagtatakang tanong ni Brent.
“Ikaw, Brent. Noon pa man ay buntot ka na ni Eve. Kahit nasaan si Eve ay nandoon ka. Bakit hindi nalang kaya kayo magpakasal?” Angil ni Nickie sa lalaki.
Tiningnan ko si Eve at Brent. Parehong may sakit sa kanilang mga mata. Ewan kung ako lang ba ang nakapansin? Aware ba silang dalawa?
“Tama na nga ‘yan, Glaiza, parang hindi ka na nasanay sa dalawang iyan,” wika ko kay Glaiza.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at sa kotse ko. Tumaas ang kilay ko.
“Really, Lyn? Magpakatotoo ka naman kaya ka niloloko, eh! Use your power, mayaman ka.”
Here we go again, since they found out my true identity, they are always like this. So? Anong magagawa ko? I want a simple life. Napabuntong-hininga na lang ako.
“Ilang ulit ko bang i-e-explain sa inyo? Simula pa lang noong buhay pa ang papa ko ay ganito na ako. Gusto kong makakilala ng mga totoong kaibigan.”
“At dahil sa kahahanap mo, may nahanap ka ba? Nakahanap ka nga pero pakitang tao lang pala iyon,” sambit ni Glaiza.
Naalala ko na naman siya. Lovie Reyes, isa sa mga naging kaibigan ko. Pero akala ko lang pala iyon. It’s only for the show, pakitang tao, palabas lang pala niya iyon para mahuthutan ako ng pera. Mga gano’ng ugali ang pinakaayaw ko sa lahat at dahil sa galit ko, ginamit ko ang aking yaman para pabagsakin siya. Lugmok na siya noong mabalitaan ko. Ngayon, wala na akong balita sa kaniya. She uses me for her hidden agenda. Kilala pala niya ako, akala ko hidi niya ako kilala noon. Ang isang Rolyn Montemayor ay naloko ng isang ordinaryong tao.
Kaya hindi na ako nagtangkang makipaglapit pa sa mga nasa paligid ko. Iniwasan ko na ang makipag-kaibigan sa kung sino-sino. Nadala na ako. Lesson learned na lang iyon na huwag basta-basta magtiwala sa mga nasa paligid natin.
“Glaiza, who is this cheap girl?” anang maarteng boses sa bandang likuran namin. Nilingon ko ang babae nagsalita. Hindi ko mapigilan ang mapataas ng kilay.
“She is Aya Impas, one of my bestfriend.” Pagpapa-kilala ni Glaiza sa akin. Mabuti at alam niya ang gusto kong mangyari. Malaki ang tiwala ko sa kaniya na hindi niya ako ilalaglag.
“Ewww! So cheap and so baho. Look at her cloths, her get up and…” She looks at my car. “Ang kotse, my God, Glai. Saan mo ba siya napulot? Why did you invite her?” Maarteng pangungutya ng babae.
“Aba’t!” Iniharang ko ang aking braso sa akmang pagsugod ni Eve sa impaktang babae. Tiningnan ko siya sabay iling. Wala siyang nagawa kung hindi ang tumango ngunit bakas pa rin ang pagkairita sa mukha niya.
“Brent, gisingin mo si Rolyn!" Rinig kong sigaw ni Eve mula sa labas ng cabin ko. Parang natataranta ang boses niya.
What’s going on? Kaya agad akong bumangon at tinungo ang pinto. Pagkabukas ko ng pintuan ay agad na bumungad si Brent sa akin.
“Mabuti at gising ka na. Let’s go!” aligagang sabi niya. Hihilahin na sana ako ni Brent nang iiwas ko ang kamay ko. Humihingal na nakatingin lang sa akin si Brent.
“Ano’ng nangyayari, Brent?” naguguluhang tanong ko kay Brent.
“Lulubog ang yate, Lyn.” Walang kiming balita nito. Nanlaki ang mga mata ko.
“What?! Paano nangyari iyon? Maganda naman ang panahon kanina!” wika kong natataranta na. Nagmadali akong lumabas sa aking cabin bitbit ang cellphone ko.
Mas lalong namilog ang aking mga mata nang makita ko na ang lalaki ng mga alon.
Mabilis kong nilapitan si Glaiza nang makita ko siya. “What happened, Glai?”
“Bigla na lang sumama ang panahon. Ano mang oras ay lulubog na ang yate, Lyn.” Ramdam ko ang kaba sa tinig niya.
Maging ako ay hindi paigilan ang makabahan. “Tumawag na ba kayo sa mga rescuer?”
“Oo, papunta na sil— ayyyy!” tili ni Glaiza nang biglang hampasin ng malaking alon ang yate.
Mabuti na lang at nakahawak agad kami sa railings. Ngunit ang susunod sa paghampas ay hindi ko napaghandaan. Tumilapon ako sa dagat at tumama ang ulo ko sa isang matigas na bagay.
“Lyn!” Tanging narinig ko mula sa itaas. Mga sigaw ng mga taong mahalaga sa akin ang huli kong narinig bago ako tuluyang nilamon ng rumaragasang alon.
“Lalaot ka ba ngayon, anak?” tanong ni mama. Nginitian ko lang ang aking ina.
“Mamaya na po. Malakas pa ang hangin. Malalaki pa ang alon saka delikado rin.”
Nandito ako ngayon sa labas ng bahay namin. Wala namang ulan pero ang lakas ng hangin. Ang lalaki pa ng mga alon. Siguro, dahil malapit na ang tag-amihan. Nagmumuni-muni ako rito habang nakatingin sa dagat nang lumapit si Tasya.
Agad itong ngumiti sa akin. “Hi, Doy.” Kinagat pa nito ang mga labi para magpa-cute sa akin. Napangiwi ako, hindi naman bagay sa kaniya.
“Ano’ng ginagawa mo rito.” Hindi na ako nagpapaligoy-ligoy pa sa pagtatanong, pranka akong tao.
Sumimangot si Tasya.
“Hoy, Tasya. Ang pangit mo na nga. Mas lalo ka pang pumangit,” mapang-asar na sigaw naman ni Budoy sabay tawa. Nandito na naman ang mga barkada kong ang hilig mang-asar. Puro kalokohan ang nasa mga utak.
Papalapit na ang mga tropa ko sa kinaroroonan naming ni Tasya. “Bro, binibisita ka na naman ni Tasya. Ah, sagutin mo na kasi.” Kantiyaw naman ni Badong sa akin.
Umiling-iling na lang ako. “Nakakainis talaga kayo,” inis na sinamaan sila ng tingin ni Tasya at nagmarcha paalis.
“Kayo talaga, puro kayo kalokohan. Kawawa naman ‘yong tao.” Saway ko sa kanila
Si Budoy at Badong lang ang nandito ngayon pero karamihan sa mga barkada ko ay wala pa rito.
“Saan banda ang kawawa, bro? Mabuti nga at pumunta kami rito para umalis na ‘yon. Alam naman naming na ayaw mo sa kaniya.” Sabay tingin sa papalayong si Tasya.
Tumayo ako para maglakad-lakad pero pinigilan nila ako. “Saan ang punta mo?” tanong ni Budoy sa akin.
“Magpapahangin lang.”
“Huh! Magpapahangin? Ang lakas na nga ng hangin, oh!” Napailing na lang ako. Paano ba ako nagkaroon ng ganitong mga kaibigan. Mga may saltik sa utak.