Alve POV NANDITO pa rin ako sa headquarter namin, kung saan nakabase ang philippines branch ng aming organisasyon. Tinitignan ko ang pagpapahirap sa naging spy nila Marc at Lovie. Nahuli na namin ang isang anay ng aming organisasyon. Pinapaamin namin ito, kung saan naglulunga ang dalawa. Pero matigas ang lalaki ayaw umamin. "Sasabihin ko na, sasabihin ko na." nahihirapang sambit nito. Sasabihin rin pala pinahirapan pa kami. "Saan?" tanong muli ng isa sa mga tauhan namin. "Sa may Lugait, doon, may binili silang bahay doon. Medyo, malayo iyon sa syudad." sambit nito. "Please, wag nyo akong pabayaan, papatayin ako ni Marc." sambit nito. "Ano? Susugurin na natin?" tanong ni Gabo. "Magsihanda kayo! Lulusob tayo." utos ko sa kanila. "Sige, ihahanda ko ang mga tauhan natin." sabi nito, sa

