Rolyn POV NAGISING ako kinabukasan na para bang may kulang, agad kong nilingon ang nasa kabilang kama ng wala na itong tao. Agad akong bumangon at itinakip ko sa aking hubad na katawan ang kumot. Ipinulupot ko ito Nilinga ko ang aking paningin sa paligid, naghahangad na sana ay di umalis si Alve. Napunta ang tingin ko sa may side table may nakita ako na isang note. Hon, I need to leave right now. May problema lang sa kompanya and they need me now. Magkita na lang tayo sa condo nating dalawa, once na makabalik na kayo. Love, Alve Napangiti ako ng wala sa oras. Di ko akalain na may sasaya pa pala dito. Akala ko iniwan na talaga ako ng tuluyan ni Alve. I still understand him, if he leave me. Sino ba naman ang lalagi sa babaeng magulo ang buhay? Agad akong bumangon at pumasok sa banyo

