Chapter 4: The Twins

1894 Words
Mika Ella's/ Class monitor's POV "Sinong susunod na mamatay Marie?" tanong ko habang inekisan ng pulang ballpen ang pangalan nila Alexia at Desiree sa aking attendance sheet. Nandito kami sa kwarto namin ni Marie, hindi ako pumasok ngayon dahil masama ang pakiramdam ko kaya inaalagaan ako ngayon ng aking kakambal. "Mag-iisip na muna ako." sagot naman ng aking kakambal habang nakahiga sa higaan namin. Siya si Marie Ella ang aking kakambal, ang nag-iisa kong kakampi sa lahat ng bagay. Mahal na mahal ko ang aking kakambal sapagkat siya lamang ang nag-tatanggol sa akin. Lalo na pag-sinasaktan ako nila mommy at daddy. Hindi ko alam kung anong nagawa kong mali sa kanila na nagawa nila akong saktan. Minsan nga lang silang uuwi sa bahay dahil abala sila sa kani-kanilang trabaho pero sinasaktan pa nila ako. Palagi nila akong sinasaktan at ang kadalasang gamit nila ay isang tazer o di kaya isang karayum na nag-papatulog sa akin. At ang masaklap pa rito hindi nila ako pinapaintindi kung ano ang naging kasalanan ko, palagi lang nila akong sinisigawan. Wala silang pakealam kung nahihirapan na ako sa parusa nila at iyak na ako ng iyak. Hindi lang ako nasaksaktan ng pisikal pati na rin emosyonal. Mabuti nalang at nandito si Marie sa aking tabi upang aalagaan ako, siya ang nag-puna ng pag-mamahal na hindi mabibigay ng aking mga magulang. "Ma'am nandito na po 'yung pagkain at gamot mo." napahinto ako sa aking pag-iisip nang biglang kumatok 'yung katulong namin. Agad akong pumunta sa pintuan upang pag-buksan ang aming katulong. Nang mapag-buksan ko na ng pinto ang aming katulong ay nakita ko siyang may dala-dalang tray kung saan doon nakapatong ang pag-kain at gamot ko para sa aking lagnat. Tila nanginginig ito habang hawak-hawak ang tray at hindi ako matignan sa aking mukha. Hindi ko siya masisisi. "Bakit si Mika lang ang dinalhan mo ng pagkain? Hindi mo ba alam na gutom na gutom na rin ako?" napatingin ako kay Marie na nasa aking tabi na pa'la. "M-ma'am?" nauutal na sabi ng aming katulong tila hindi alam ang sasabihin dahil sa kanyang takot. "Bakit si Mika lang ang pinag-sisilbihan mo?" malamig na tanong ni Marie Lalong nanginginig ang aming katulong kaya kinuha ko nalang ang tray dahil natatapon na ang sabaw at tubig nito dahil sa panginginig niya. Mabilis ang pangyayare, bigla nalang kinuha ni Marie ang tinidor sa tray at agad sinunggaban ang aming katulong. Nakahiga na ito sa sahig at nakapatong si Marie habang pinag-saksak nito ang leeg ng aming katulong. Walang pakelaam si Marie na sumirit na ang dugo ng aming katulong at kahit nasiritan pa ang kanyang mukha. "T-tama na p-po ma'am E-lla." parang walang narinig si Marie at patuloy lang itong pinag-saksak hanggang sa mawalan na ito ng buhay. Pero kahit patay na ito ay patuloy pa rin siya sa pag-sasaksak na tila nag-lalaro lang. Nang makuntento na si Marie ay tumayo na siya at humarap sa akin na nakangiti. "Masaya ka bang nanonood Mika?" tanong niya habang pinunasan ang mukha niyang naliligo sa dugo ng aming katulong. Gumuhit ang ngiti ko sa labi habang nakatayo pa'rin kaharap niya habang dala-dala pa rin 'yung tray na may lamang pag-kain at gamot ko. "Ang galing mo Marie!" nakangiti kong tugon. Hindi na 'to bagong senaryo para sa akin, kasiyahan ni Marie ang pag-patay ng aming mga katulong at kasiyahan ko ring makita na pumatay si Marie. Pero mas masaya ako ngayon dahil hindi lang mga katulong namin ang pinapatay niya pati mga kaklase ko. Alam ni Marie na wala akong kasundo sa classroom kaya napag-pasyahan niyang papatayin isa-isa ang mga kaklase ko. Nauuna na sila Desiree at Alexia pero ang pinag-tataka ko lang hindi niya ako pinakita sa pag-patay ng dalawa. Tinatanong ko siya kung bakit hindi niya ako pinapanood na patayin ang kaklase ko gaya ng mga katulong namin pero hindi niya ako sinasagot. May tinatago na kaya sa akin si Marie? Papatayin niya rin kaya ako sa huli? H-hindi! alam kong mahal ako ni Marie, kami lang dalawa ang mag-kakampi sa mundong ito. Sila mommy at daddy alam na mamatay tao ang kakambal ko pero nagawa nilang itago ito sa lahat ng tao, nagawa nilang gawing sekreto ang lahat. Ang alam ng mga tao ako lang ang nag-iisang anak nila pero ang hindi alam ng lahat may mamatay tao akong kapatid. Pero ang pinag-tataka ko bakit hindi ko man lang nakita na pinagalitan nila si Marie? Bakit ako na wala namang ginagawa hindi lang pinagalitan sinasaktan pa. Bakit parang ako ang nag-babayad ng mga kasalanan ni Marie? Dahil ba natatakot silang baka patayin sila ni Marie kung papagalitan nila ito kaya ako nalang ang pinaparusahan nila? Ba't ang unfair pa ring pakinggan? O may ibang dahilan na hindi ko lang talaga alam? "Ano 'yung narinig kong ingay?" napalingon kaming dalawa ni Marie nang bigla nalang sumulpot ang isa pa naming katulong. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya nang makita niya ang bangkay ng aming katulong na napupuno sa dugo. Tumingin siya sa amin at agad tumakbo. Tingin ko bago 'yung katulong na 'yun, sa dinami ba namang pinatay ni Marie halos araw-araw kami nag-papalit ng katulong. "Mag-tago ka Mika! Baka isusumbong ka niya nila mommy at daddy baka sasaktan ka nila ulit." napatingin ako kay Marie na hinawakan ang aking braso at pinapunta sa aking closet upang mag-tago. Pumasok na ako rito sa takot na sasaktan ulit ako nang magulang ko, isasarado na sana ni Marie 'yung closet ko nang hinawakan ko ang kamay niya. "Samahan mo ako dito Marie, natatakot ako." sabi ko kaya walang nagawa si Marie at pumasok 'din sa closet katabi ko. Agad niya itong sinara ang closet kaya sobrang dilim at init na sa loob. "Natatakot ako Marie." sabi ko na halos maiyak-iyak na. Takot na takot talaga akong saktan ulit ng magulang ko. "'Wag kang mag-alala nandito lang ako sa tabi mo." naramdaman ko namang hinawakan ni Marie ang kamay ko kaya napahinga ako ng malalim. "Marie, bakit palagi ako ang sisinisi nila daddy at mommy sa tuwing may pinapatay ka?" tanong ko "'Hindi ko rin alam Mika." Marie "May tinatago ka ba sa akin Marie? Akala ko ba kakampi tayo." kunot-noo kong sabi. Pakiramdam ko talaga may tinatago siya sa akin. "Sshh! 'wag kang maingay baka maririnig nila tayo." suway sa akin ni Marie sa halip na sagutin ang aking katanungan. ----- Kinaumagahan ay gumaling na 'yung aking pakiramdam kaya napag-pasayahan kong pumasok na sa klase. Pag-katapos kong maligo at mag-bihis ay pumunta na ako sa dining upang kumain na ng agahan. Samantalang si Marie ay mahimbing pa rin ang tulog kaya hindi ko na siya ginising pa. Pag-kaabot ko sa aming dining ay nakita ko ang dalawang katulong namin na nag-hahanda na ng aking pag-kain. Tatlo lahat ang katulong namin dito para mag-alaga sa amin ni Marie pero dahil pinatay na ang isa sa kanila kahapon ni Marie kaya dalawa nalang silang nandito. "Good morning po!" masigla kong bati bagay na napatingin sa akin ang dalawang katulong. Kita ko ang gulat sa mga mukha nila, aalis na sana ito pero hinarangan ko sila. "M-ma'am 'wag po!" sabi ng isa sa katulong namin. Sa pag-kakaalam ko ito 'yung bagong katulong namin na nakakita sa bangkay ng kasamahan nila kahapon. Siguro inakala niyang ako si Marie kaya ganito nalang ang reaksyon niya. 'Di ko siya masisisi, identical twins kami ni Marie kaya mag-kapareha kami ng mukha kaya ang mga bagong yaya namin ay nalilito sa aming dalawa ni Marie. "Relax lang po yaya, ako 'to si Mika. Hindi ako si Marie." kalmado kong sabi sa yaya naming nakayuko ang ulo, actually silang dalawa ang nakayuko ang ulo at tila natatakot na tignan ako. Minsan nasasaktan din ako, dahil inaakala nilang ako ang pumapatay. "Manang, parang awa niyo na 'wag niyong sabihin sa kanila mommy at daddy na may pinatay na naman si Marie ang kasamahan niyo!" sabi ko. "O-opo, ma'am." nanginginig na sagot ng dalawa naming katulong habang nakayuko. Kaya napangiti nalang ako. "Salamat po!" "Ma'am pw-pwede p-po bang mag-ttanong?" nanginginig pa'rin na sabi ng isang katulong namin na ngayo'y nakataas na ang kanyang ulo pero hindi pa rin makatingin sa akin ng diretso. Siya si Manang Sally, matagal na naming katulong simula noong bata pa kami ni Marie. Siya ang nag-sisilbing nanay namin tuwing wala palagi ang mga magulang namin. Dahil pinag-katiwalaan na namin si Manang Sally ay siya lamang ang hindi pinatay ni Marie dahil tinuring din namin siyang nanay. Kaya hinawakan ko ang kanang balikat niya upang huminahon siya. Pero tila napatalon siya sa gulat dahil sa aking pag-hawak kaya inalis ko nalang ang aking pagka-hawak dahil pakiramdam ko mas lalo lang siyang kinakabahan. "'Wag po kayong kabahan sa akin, hindi naman po ako si Marie. Hindi ko po kayo papatayin." nakangiti ko pa ring sabi sa kanila upang iparamdam sa kanila na hindi sila dapat matakot sa akin. "...ano po 'yung tanong mo sa akin Manang Sally?" tanong ko sa aming katulong na nag-tatanong. "B-bakit hinahayaan niyo lang na pumatay ang kakambal mo?" parang nag-alinlangan pa na tanong ni manang. Bago ako sumagot ay tinignan ko ang kwarto namin ni Marie sa itaas sa takot na marinig ako ng kakambal ko. "Natatakot akong sumuway kay Marie baka ako ang papatayin niya." bulong ko sa kanilang dalawa. --- "Hindi ka man lang ba nakonsensya Yllah? Bestfriend pa naman kayo ni Allyson."- Dianne Nandito na ako sa aming classroom at tahimik lang akong nakaupo sa aking upuan at nag-hihintay ng ilang minuto upang mag-simula sa pagche-check ng attendance. "Bakit naman ako makokonsensya? Wala akong pakaelam sa babaeng 'yun hindi ko naman talaga siya trinatong kaibigan." narinig kong sagot ng kaklase kong si Yllah. Kanina ko pa sila naririnig sa pang-baback stab kay Allyson. Kawawang Allyson 'di alam na trinaydor na pa'la siya ng kanyang bestfriend kono. Sa pagkakilala ko kay Allyson ay mailap 'din ito sa mga tao at tanging si Yllah lang ang tinuring niyang kaibigan. Pero sa huli ay na trinaydor pa siya nito at sinulot pa ang boyfriend niya. Kilala ko na lahat mga kaklase ko dahil ino-obserbahan ko sila isa't isa at nakakatulong 'din ang pagiging class monitor ko. Madali ko lang nakabisado ang mga pangalan nila dahil araw-araw akong nagche-check ng attendance. Kilala ko na rin kung sinong traydor at peke sa mga classmates ko. Mabuti nalang talaga at sinunod ko ang sinabi ni Marie sa akin. Walang dapat makapag-tiwalaan sa mundo kundi siya lamang. Lumipas ang ilang minuto at unti-unting dumami na 'yung kaklase ko kaya napag-desisyunan ko nang mag check ng attendance. Pumunta ako sa platform dala-dala ang attendance sheet ko. Tinignan ko ang mga kaklase ko na busy sa kanya-kanyang ginawa kaya tumikhim muna ako bago magsalita. "Checking of attendance." malakas at walang emosyon na sabi ko . Napatingin sila sa akin at tumahimik na ang silid. Mabuti talaga at wala pa sila Amalia at Feya dahil siguradong hindi 'yun makikinig sa akin at mag-iingay lang ito kahit nandito ako sa platform. Mas maganda pa'la ang araw ko pagwala sila Amalia, mas mabuti siguro kung wala na sila habang buhay. Masabihan ko nga mamaya si Marie na silang dalawa ni Amalia at Feya ang isusunod total nawala rin naman 'yung kaibigan nilang isa pa na si Alexia mabuti na rin 'yun para mag-samasama silang tatlo sa impyerno. Excited na tuloy akong umuwi. -oOo-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD