Chapter 5: b****y Night

1207 Words
Third Person's POV "Ahhhhhhhh!!!" ito na ang pinakamalakas at pang-huli na sigaw ni Bobby bago ito tuluyang nawalan ng ulirat. Mag-alas dose na ng hating-gabi at nandito ulit sila sa kanilang hide-out upang gawin ang pag-hihirap at pag-patay ng kanilang mga kaklase. "T-tama na please! Parang awa niyo na!" pag-mamakaawa ni Divina nang mapag-tanto niyang siya na lamang ang natitira dahil patay na ang lahat ng kabarkada ni Bobby. Si Divina lang ang tanging naligaw sa grupo, hindi naman talaga kabarkada nila Bobby si Divina pero kaklase nila ito. Si Divina ang dahilan kung bakit napadali ang trabaho ng mga salarin dahil sa ginawa niyang house party sa kanilang bahay. Masaya kasi ang dalaga dahil siya na lamang mag-isang titira sa bahay nila dahil nag-babakasyon ang kanyang mga magulang sa Australia at hindi siya nakasama dahil may pasok pa siya. Pero hindi naman nalungkot si Divina sa halip ay masaya pa nga ito dahil sa wakas walang mag-babawal sa kanya at makakaranas ito ng panandaliang kalayaan. Pero ang kagustuhang kalayaan pa'la ng dalaga ay may mapait na kapalit. Kanina pa siya iyak nang iyak at suka nang suka dahil sa kanyang nakita at nasaksihan dumagdag pa na marami siyang nainom na alak sa kanyang house party. Hindi mapigilan ni Divina na tignan ang mga lupaypay at hindi na mahitsura na katawan nila Hanna, Bobby, Trisha, Rowena, Jolina, Diana, Charry at Merlyn. Talagang dumadanak ang mga dugo sa buong silid. Pati siya ay hindi nakatakas sa mga dugo galing sa mga kaklase niya. Iyak lamang siya ng iyak habang nag-pupumiglas sa pag-kakatali niya sa kanyang kamay at paa sa inuupuan niya ngayon. "'Wag kang malikot para hindi ka masyadong masasaktan." mapanlarong sabi ng lider sa grupo. "S-sino ba kayo at anong nagawang kasalanan namin?" maiyak-iyak na tanong ni Divina. Nagising na lang kasi siya kasama ang Shudey group, pangalan ng magbabarkada na nakaupo at nakatali na sila sa kani-kanilang inuupuan. Hindi nila alam kung saan sila ngayon at kung paano sila nakarating dito dahil ang huling naalala nila ay nandoon sila sa bahay niya masayang nakikipag-halubilo sa iba't ibang studyante sa kung saan siya nag-aaral. Ang dapat na masayang gabi ay nauwi sa kahindik-hindik na pangyayari. Hindi makita ni Divina ang mga mukha ng mga salarin dahil bukod sa madilim ang ang pwesto ng mga salarin nakatakip ang kalahating mukha nila gamit ang isang itim na mask, nakasuot din ito ng bonet at tanging mga mata lang ang makikita rito at mas lalong hindi niya ito makikilala dahil gumagamit din sila ng isang device na nag-papaiba ng kanilang mga boses. "Simple lang my dear classmate ayaw ko sa mga kagaya niyo." halos manindig ang balahibo ni Divina dahil sa malalim na boses nito gamit ang isang device at dahil din naramdaman niya ang pag-haplos ng kanyang mukha sa salarin. "C-classmate? Ibig sabihin kaklase lang kita?" kinakabahan man ay nagulat siya sa rebelasyon nito. "Korek!" "...akin na 'yung sinulid at karayum!" nang sabihin 'yun ng salarin ay agad naman itong binigay ng kanyang lalaking kasamahan at bumalik agad ito sa pwesto kung saan malapit sa mga kagamitan nila sa pag-patay ng mga kaklase nila. Maraming mga iba't ibang patalim dito at ang iba ay nabahidan na ng dugo dahil nagamit na nila ito. "Nakakabagot na." narinig ng lalaki ang komento sa isa pang kasamahan nila na nasa gilid lang din nakaupo at nanonood lang sa pagpatay ng mga kaklase nila. Kahit nangangati 'yung kamay niya na pumatay ay wala siyang magagawa dahil ito ang utos ng kanilang lider. "Hmmm!!!" impit ni Divina nang tahiin ng salarin ang kanyang bibig. Walang nagawa si Divina kundi umiyak nalang dahil sa naramdaman niyang sakit gusto niya mang sumigaw ay hindi na niya ito magawa dahil nakatahi na ang labi nito. "Pasalamat ka't pagod na ako." usisa ng salarin na napupuno na rin ng dugo ang buong katawan dahil sa dami niyang napatay ngayong gabi. Pagkatapos nito ay pinag-sasaksak niya sa sikmura ang kaklase niyang walang kalaban-laban. Sinaksak niya ito ng paulit-ulit hangang sa mawalan na ito ng buhay. Hindi pa ito na kuntento dahil kahit wala nang buhay ang dalaga patuloy lang siya sa pag-sasaksak hindi inalintana na naging madulas na ang kanyang pag-kahawak sa isang patalim dahil sa mga dugong tumatalsik galing sa katawan ni Divina. Patuloy lang siya sa pag-sasaksak ng sikmura ng wala nang kabuhay-buhay niyang kaklase na animo'y parang nag-lalaro lang. "Tama na, patay na siya." huminto lamang ang salarin nang mag-salita ang lalaking kasamahan niya. Tinitigan niya ang katawan ng dalaga na ngayo'y bumuwak na ang mga lamang loob nito. Pag-katapos niya itong tinignan ay dumako naman ang tingin niya sa iba pang pinapatay niya, ang Shudey group na ngayon ay talagang hindi na mahitsura dahil naliligo na ito sa sariling mga dugo at halos nag-kukulay pula na ang dingding at iba pang mga bagay na nag-papalibot dito lalong-lalo na ang sahig na animo'y naging tubig ang isang dugo. Kaya napangiti nalang ito. Heaven. Ito ang nasa isipan niya, para siyang nasa langit dahil sa mga natanaw niyang mga walang buhay na mga kaklase niya lalong-lalo na ang mga dugo galing sa mga kaklase niya. "Ganadong ganado kaya yatang pumatay ngayon." nabaling ang tingin niya sa isa pa niyang kasamahan na nakaupo lang sa gilid na parang bagot na bagot na. "Kelan ba ako walang gana?" nakangiti nitong sambit "'Wag mong sabihin na manonood lang kami sa iyo parati tuwing may papatayin tayo?" matabang na sabi nito. "Don't worry ngayon lang 'to." sabi ng kanilang lider pag-katapos ay lumakad siya papalapit sa lalaki na may dala nang tuwalya para pang-punas ng kanyang katawan na punong-puno ng dugo. Kinuha niya ito at agad pinusan ang kamay niyang naliligo sa dugo. "...and besides this serves as your punishment dahil sa hindi mo pag-sunod ng ating plano last time." dagdag na sabi ng kanilang lider habang patuloy sa pag-punas ng kanyang katawan pagtutukoy niya sa pag-patay ng isang kaklase nila na hindi alam ng kanilang lider. "Good, dahil nangangati na 'yung kamay ko gusto ko nang mag-hihiganti." hindi niya mapigilang ngumiti ng sabihin iyon sa kanilang lider. "Relax, we'll get there soon." aniya sabay tingin sa lalaking kanina pa nakatayo malapit sa kanya, "...ikaw, gusto mo bang pumatay 'din?" tanong niya dahil simula ng kanilang plano ay hindi pa nakapatay ang binata at tumutulong lang ito sa pag-patay o di kaya siya lamang ang dumudukot sa mga biktima nila. "I'm just fine assisting with you." sagot ng binata habang nakatingin sa mga bangkay. "That's what I like to you, napaka-supportive mo." sabi ng lider sabay yakap sa lalaki. "Ughh! I'm outta here!" napatingin naman ang dalawa sa kasamahan nila na mabilis umalis tila inis na inis at may pandidiri pa dahil sa pag-lalambing ng kanilang lider. Nang mapansin ng kanilang lider na hindi man lang ito tumugon sa kanyang yakap ay napabitaw ito at napatingin sa lalaki. "May problema ba?" mahinang sabi ng babaeng lider "Wala." sagot ng lalaki at hinalikan ito sa noo bagay na ipinikit ng babae ang mga mata niya. Tatlong mga teenagers na kung titignan ay mga inosente at parang normal lang na mga studyante pero ang hindi alam ng lahat ay mga mamatay tao pa'la ito. Studyante sa umaga, kriminal sa gabi. -oOo-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD