Chapter 6: The Masochist

1576 Words
One week after... Ally Nakangiti akong lumabas sa aming classroom, kakatapos lang ng aming last subject kaya uwian na. Napaka-excited ko ngayon dahil fourth monthsary na namin ni Roy ngayong araw at nag-yaya siyang lumabas upang i-celebrate raw 'yung monthsary namin. Hindi ko talaga mapigilan ang saya ko ngayon dahil simula noong nakita ko sila Yllah at Roy sa music room ay nagiging cold na ang pakikitungo niya sa akin akala ko noong una ay makikipag-break na siya sa akin. Sobrang takot na takot ako at halos hindi ako makatulog sa gabi. Kaya nang makatanggap ako ng text niya ngayon ay tuwang-tuwa na ako at parang nawala na sa isipan ko ang pangloloko niya sa akin. Papunta ako ngayon sa student lounge kung saan doon nag-hihintay sa akin si Roy. Kinuha ko ang aking phone upang itext siya na papunta na ako. To Roy my love: Papunta na ako diyan lov---- Halos mapasigaw ako sa inis nang may biglang bumangga sa akin dahilan na nabitawan ko aking phone at nahulog ito sa sahig. Pupulutin ko na sana ito nang mapagtanto kong si Yllah pa'la ang bumangga sa akin. Tuloy-tuloy lamang siya sa kanyang pag-lalakad, parang hindi ako nakita at para itong balisa. Kaninang umaga ko lang siya napansin na parang wala siya sa kanyang mood kaya hindi niya ako pinansin at tutok lang ang kanyang atensyon sa kanyang phone na parang may kausap. May naramdaman akong si Roy ang ka-text niya at parang nag-aaway sila. What if kaya galit si Yllah dahil nakipag-break si Roy sa kanya dahil na realize ni Roy na mas mahal niya ako kesa sa kanya. Mas napangiti ako sa ideya kaya 'di ko mapigilang mag-mamadali papunta sa student lounge. Nang matanaw ko na ang student lounge ay tumakbo ako papunta rito, pero agad naman akong napatigil nang makita ko sina Roy at Yllah tila nag-hahalikan. Awtomatikong nag-laho 'yung ngiti ko sa labi at napakuyom nalang ang aking dalawang kamao. Naramdaman ko na naman ang mabilis na kabog sa aking puso pero ngayon ay mas mabilis pa ito sa unang araw na nakita ko ang pag-tataksil nila sa akin. Ang tuwa na naramdaman ko ngayon ay napalitan na naman ng poot at galit. Ito ba ang surprise ni Roy sa akin sa aming monthsary? Nang makita kong kumalas na sila sa kanilang pag-hahalikan ay humugot ako ng lakas at pilit winakli sa aking isipan ang nakita ko ngayon. Hindi pwedeng mawala si Roy sa akin kaya dapat hindi ko iniinda ang sakit sa halip ay magpanggap akong wala akong alam sa relasyon nilang dalawa. Tanginang buhay 'to gusto ko silang pag-sasampalin lalong-lalo na si Yllah pero hindi pwede. Huminga ako ng malalim at pilit na ngumiti saka ako lumakad papunta sa kanila. "Love!" nakita ko pang nag-titigan silang dalawa kaya hindi nila ako nakita kaya pinukaw ko ang atensyon nila sa pagtatawag kay Roy. Nang makita ako ni Roy ay para siyang nataranta pero pilit niya itong hindi pinahalata sa akin ngunit kilala ko na si Roy kaya kahit anong pagpapanggap niya ay 'di pa rin ako maloloko. Agad siyang ngumiti papalapit sa akin. "Hi love, happy monthsary." bati niya sabay halik sa aking noo. Gusto kong pahiran 'yung halik niya dahil kagagaling lang nila ni Yllah sa pag-hahalikan pero pinigilan ko nalang ito at nagpatuloy sa pagpapanggap. "Happy monthsary din love." sabi ko habang nakatingin sa kanyang mga mata na may matamis na ngiti. "Hey Ally!" nag-laho ulit 'yung ngiti ko nang marinig ko si Yllah. Binaling ko ang tingin sa kanya at nakita ko siya na parang pinipigilan ang inis sa kanyang mukha. "Uy Bestfriend nandito ka pa'la!" pag-maangmaangan ko kahit kitang-kita ko ang panggago niya sa akin. "Yeah! May sasabihin kami ni Roy sa'yo." sabi nito habang papalapit kay Roy at agad hinawakan ang kamay nito kaya napalaki nalang 'yung mata ko sa gulat. Ano 'to harap-harapang pang-tratraydor? Nilihis ko ang aking tingin at patuloy pa rin sa pag-ngingiti. "Ano 'yun?" tanong ko habang nakatingin sa kanilang dalawa at hindi pa rin nawala ang ngiti ko sa aking labi. Oo tangina mukha na akong tanga rito! Pero mas pipiliin ko nalang maging tanga kesa mawala sa akin si Roy. Alam ko na kung saan ito patungo pero nagmaang-maangan pa rin ako. "Uhmm--" nakita ko ang pag-dadalawang isip ni Roy at lalong lumaki 'yung ngiti ko nang makita ko sa gilid ng aking mga mata na bumitaw siya sa pag-hawak ng kamay ni Yllah sabay hawak sa likod ng kanyang ulo tila nahihirapan sa kanyang sasabihin. "Ano Roy gusto mo ako nalang ang mag-sasabi sa kanya?" kita ko ang inis sa mukha ni Yllah ngayon. Parang hindi ko na makikita ang dating makulit at maaalahanin ko na bestfriend. Seems like she finally reveals her true color. Narinig kong bumuntong hininga si Roy at bago pa siya makapag-salita ulit ay inunahan ko na siya. "Love, 'di ba may date pa tayo? Tara na gutom na ako!" sabi ko sabay hawak sa kanyang kamay. Lalakad na sana ako nang maramdaman kong hindi nag-patinag si Roy sa kanyang pwesto, liningon ko siya at nakita kong tumingin siya ng diretso sa aking mga mata. "Ally, sor----" "Teka love may nakalimutan pa pa'la ako sa locker ko." hindi ko siya hinayaang pinatapos sa kanyang sasabihin at agad akong tumakbo palayo sa kanila. Takot ako sa sabihin ni Roy dahil ang ibig sabihin lamang 'nun ay tapos na kami at hindi ko iyon makayanan. Natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakasalampak sa sahig ng aming locker room at napahagulhol sa aking pag-iyak. Wala naman talaga akong kukunin dito alibi ko lamang iyon para maka-iwas sa sasabihin ni Roy dahil kapag sasabihin na niya sa akin ang tungkol sa kanila ni Yllah ang ibig sabihin lang naman nun ay tapos na kami. Hindi ko kaya 'yun, pakiramdam ko mamatay ako ng paulit-ulit. Gusto ko mang tumigil sa aking pag-iyak ay hindi ko ito magawa dahil tuloy-tuloy lang sa pag-ragasa ang mga ito. Mukha na naman akong tanga at kaawa-awa sa kalagayan ko ngayon. Sana naman ay walang tao na makakita sa akin dito. Paano nagawa ni Roy sa akin ito? Akala ko mahal niya ako, may marami pa kaming plano paano nalang iyon? Bibitiw na ba talaga siya? Ang daming tumatakbo sa aking isip, at hanggang ngayon hindi pa talaga ako makapaniwala sa aking naranasan ngayon. Hinding-hindi ko akalaing naloko at nataksil ako ng ganito. "Nakakaawa ka naman." napaigting nalang 'yung bagang ko nang mapagtanto kong may tao pa'la. Pinunasan ko ang aking mga luha, pilit kong tumigil sa aking pag-iyak at tumingala ako upang makita kung sino ito. Nakatalikod siya sa akin at nakabukas 'yung locker niya. Alam ko kung sino ito dahil mag-kaharap lang kami ng pwesto sa locker. "Anong sabi mo?" nakakunot noo kong tanong. Isinara niya ang kanyang locker saka siya humarap sa akin at nakita ko ang walang emosyon niyang mukha gaya ng dati. Nakatayo pa rin siya habang nakatitig lang sa akin. Hindi ako nag-patinag sa kanyang titig at nakipag-titigan din ako sa kanya. "Akala ko matalino ka, pero hindi ka pa'la naiiba sa mga taong hangal sa pag-ibig." ilang sandali pa lamang ay nag-salita na siya gamit ang malamig niyang boses. Napakuyom 'yung mga kamay ko sa kanyang sinasabi. "Manahimik ka wala kang alam tungkol sa akin!" sigaw ko sa kanya habang tinitignan siya ng masama. "Gusto mong maghiganti?" nagulat ako sa sinabi niya kaya nawala 'yung kunot-noo ko. Ano bang pakealam niya? Ngayon lang siya nakikipagka-usap sa akin. Halos dalawang taon ko na siyang kilala at naging kaklase pero ngayon lang niya ako kinakausap na hindi relate sa aming klase. Hindi ko nga siya nakitang nakikipag-usap sa ibang kaklase namin nang hindi tungkol sa aming pag-aaral. "Gusto mo tulungan ka namin?" nabalik ako sa reyalidad nang mag-salita ulit si Mika Ella at halos mapatalon pa ako dahil napagtanto ko na lamang na nakaupo na rin siya sa harap ko at kunti lang ang pagitan sa aming mga mukha. Inatras ko ang aking ulo pero napagtanto kong nakasandal na pa'la ako sa mga locker. "Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong. "Dapat sikreto lang natin 'to." malamig niya pa ring sabi habang nakatitig sa akin. Amoy ko pa ang paghinga niya. Amoy tsokolate. Hindi ako nakapagsalita at nakatitig lang din sa kanya. Sobrang ilap ni Mika Ella sa mga tao kaya hindi ko pa talaga siya nakilala masyado. Ang alam ko lang ay tahimik lang siya at gustong mapag-isa. Itong pakikitungo niya sa akin ngayon ay nakakapanibago para sa akin. "May kakambal ako, isa siyang mamatay tao. Siya ang pumatay sa kanila ni Alexia at Desiree. Ipaghihiganti kita kay Marie, dapat masunog sa impyerno 'yung traydor mong kaibigan at nobyo." Hindi agad ako nakapag-salita at napaawang nalang ang aking bibig sa gulat dahil sa sinabi niya. May kakambal si Mika Ella? Naramdaman ko nalang na kumabog ang aking dibdib bigla nang naalala ko ang sinabi ni Yllah sa akin sa cafeteria sa araw na binalitang patay na si Desiree at nawawala si Alexia. "Alam ko kung sino ang pumatay sa kanilang dalawa." "Ang pumapatay sa kanila ay walang iba kundi ang class monitor natin." Totoo kaya 'yung sinabi ni Yllah? Kung totoo man bakit niya alam? May dapat na naman ba akong ikabahala? Napatigil ako sa aking pag-iisip nang tumayo na siya at lumakad na papalabas sa locker room. Hindi na siya nag-salita ulit at tuluyan nang nawala sa aking paningin. Mika Ella, isa kang misteryo. -oOo-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD