"Ikaw ba ang bagong trabahador ng construction factory, Martin Salazar?" Pagkapasok ko sa isang warehouse kung saan magtatrabaho na ako. May sumalubong sa aking lalaki na medyo mas matanda sa akin ng konti. May dala-dala siyang clipboard. Nakasuot ng puting helmet sa ulo. "Ako nga po. Nandito ako para magsimula na sa trabaho bilang kargador. May problema ba?" mahinahon kong tanong. Tiningnan muna ako ng lalaki ng matagal bago siya tumango. "Sumunod ka sa akin. Kakausapin ka ni Ma'am Salvacion tungkol sa trabaho mo." Seryoso ang itsura niya. Tumango lang din ako saka ko siya sinundan sa paglalakad. Pumasok kami sa isang office, kung saan rin ako nanggaling kahapon para enterview-hin. Nandoon iyong babaeng kausap ko kahapon na may suot pa ring salamin at office attire. Agad itong tum

