MARTIN SALAZAR'S POV "Ano'ng kaya mong gawin Mr. Salazar, right?" ani ng isang hindi katandaang babae. Nakasuot siya ng salamin sa mata. Naka office attire na kulay itim ang coat at puti ang ilalim. Matamaan itong nakatitig sa akin. Naghihintay sa sagot ko. Kanina pa siya pa ngiti-ngiti sa akin simula noong makapasok ako sa kanyang opisina. "Marami na akong experience sa pagbubuhat ng mga mabibigat. Kaya ko po ang trabaho rito. Sa probinsiya namin na sana'y ako mula noong nag dose anyos ako nagbubuhat na nang kung ano-ano." Tumango-tango siya. Tiningnan ang resume na hawak niya na pinagawa ko pa sa isang enternet shop para lang mag-apply ng trabaho ngayon. "Hindi ka nakatapos ng highschool pero marami ka ng experience. That's important in here. You're hired, iho!" aniya sa maligayang b

