"Bitawan mo na 'yan," sabi ni Uela. Sa halip na bitawan ay tumulong pa rin si Terrence. Pinulot niya pa rin ang iba pang gumulong na delata. Hindi niya pinakinggan ang sinabi nito. "Sabi ko hayaan mo na 'yan. Kaya ko na 'yan," ulit niya. "Gusto kong tulungan ka kaya 'wag mo akong pigilan!" pagpupumilit ni Terrence. "Hindi ko kailangan ng tulong mo," mariin niyang sabi. Tumigil si Terrence dahil sa sinabi nito. Medyo nasaktan siya sa binitawan nitong salita. Napabuga siya ng hangin. Hindi siya makapaniwala na after ng pinagsamahan nila sa isla ay ganito na ang magiging trato nito sa kanya. Sa dinami ng tinulong niya rito. Pero ayaw niyang isumbat iyon kasi ginusto naman niya iyon. Pero ang ganito ang sakit lang tanggapin. Nakabalik lang ito ng Manila ay nag-iba na ito. Like what she

