Kanina pa tinatawagan ni Terrence si Uela pero hindi na naman ito sumasagot. Ginugulo na naman nito ang utak niya. May kakaiba talaga sa babae na hindi niya maintindihan. Katulad ulit ng nangyare no'ng nakaraan. She is acting weird. Ayaw naman nitong sabihin kung anong nangyayare sa kanya. Kung may pinag-dadaanan ba ito o kung may nagawa ba siyang mali. Bigla na lamang itong umiyak. Hindi niya kaya itong makita na lumuluha. Kaya hindi na niya pinilit pang alamin kung anong gumugulo rito. He just comforted her hanggang sa kumalma at tumahan ito. Kung hindi pa niya pinilit ay hindi pa rin sana ito papayag na ihatid niya. They are back again sa kung ano sila no'ng nasa isla. But this time habang kinokontak niya at hindi na naman ito sumasagot sa mga tawag niya ay mukhang sinasadya niya na t

