Lulan na sila ng sasakyan nito. Napilitan si Uela na umupo sa harap katabi ito. Wala siyang ideya kung saan siya nito dadalhing restaurant. Depende rito kung saan nito trip kumain. Habang nasa biyahe sila ay tahimik lang si Uela. Hindi siya nagsasalita. Wala siya sa mood na makipag-usap o kausapin ito. Gano'n din naman ang lalaki simula nang umalis sila ay hindi rin itong nagtangka na kausapin siya. Halatang nagpapakiramdaman sila pareho. Itinuon na lamang ni Uela ang mga mata sa labas. Tumikhim si Terrence. "Kamusta ka na?" tanong nito. Ito rin ang unang bumasag sa katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Pero hindi sumagot si Uela. Ni hindi rin siya nag-abala na tapunan ng tingin ito. Nagbingi-bingihan siya. "Alam ko galit ka pa rin sa akin," sabi ulit ni Terrence habang tuloy pa rin

