Dahil sa naging bestseller ang libro niya ay nagkaroon ng book signing si Uela. Ginanap iyon sa isang branch ng National Book Store sa mall na malapit sa kanila. Ando'n na siya at nakaupo sa mesang laan para sa kanya na may nakalagay na pangalan na "Lady Elle". Nakikita niyang medyo marami na ang nakapila sa labas para magpapirma sa kanya. Ilang sandali pa ay nag-umpisa na sila magpapasok at magpapila ng mga readers niyang excited at masayang makita siya. Lahat halos ay may mga ngiti sa labi. Lahat ng nandoon ay mga babae at may mga bitbit na libro niya. Pero may inaabangan pa siyang lumitaw doon sa pila. Umaasa siyang makikita niya ang dalawang lalaki na 'di umano ay pumakyaw sa mga libro niya. Na-curios talaga siyang makilala ang mga ito. Nagsimula na siyang pumirma. Nakakalimang rea

