Chapter Eight

1296 Words

"Tumigil ka nga sa kakaiyak mo. Wala akong ginagawa sa 'yo. Pasalamat ka pa nga at tinulungan kita," ani Terrence. Sa halip na tumigil sa pag-iyak ay nilakasan pa lalo nito. Naririndi siya sa iyak nito. Para itong bata na inagawan ng laruan kung maka-iyak. Wala naman siyang ginawa sa kanya. At never pumasok sa utak niya na pagsamantalahan ito. Kung tutuusin ay dapat pa itong magpasalamat sa kanya sapagkat pinunasan niya ito. Binihisan at inalagaan kagabi. Halos inaapoy ito ng lagnat dahil sa pagkabasa ng ulan. Binantayan at minonitor niya ang temperature nito. Hindi nga siya nakatulog kakabantay dito hanggang sa hindi bumababa ang lagnat nito. Halos kaka-idlip niya lang din kanina no'ng nagising ito. Buong gabi siyang dilat dahil dito tapos 'yon pa ang aabutin niya. 'Asan ang hustisya?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD