Nasa may terrace si Terrence at may kausap sa cellphone nang lumabas mula sa kwarto si Uela. Hindi niya ito inistorbo at hinayaan niya lang. Medyo okay na ang pakiramdam niya. Wala na siyang lagnat pero medyo masakit pa rin ang katawan niya. Pinagmasdan niya lang ang lalaki habang nakatalikod at panay salita. Hindi niya maintindihan ang mga sinasabi nito pero malamang ay tungkol iyon sa negosyo. Naisip niyang hindi naman gano'n pala kasama at kawalang puso ang lalaki. Kahit papaano ay meron pa rin palang kabutihan itong natitira. Hindi lang kasi halata dahil sa may pagka-bossy at mayabang ito ng konti. 'Di niya rin naman masisisi ito kahit sino naman siguro ay magiging protective sa mga pagmamay-aring properties lalo na kung ganito naman kaganda ng islang ito. Sadyang napakaganda ng isla

