Napadilat ng mata si Uela. Nasa baba na siya at nakadagan sa lalaking sumalo sa kanya. Si Terrence. Sa pagsalo nito sa kanya ay nawalan ito ng balanse at tuluyang silang tumumba. Nakaibabaw siya rito. Sa lakas ng pagbagsak at sa bigat niya ay halatang nasaktan ang lalaki. Halos mapangiwi ito. Tumama ang likod nito sa mga bato. Nagmadali siyang umalis sa pagkakadagan dito at tinanggal ang lubid na nasa paa niya. Tinulungan at inalalayan niya itong ibangon. Sa sobrang pag-aalala ay niyakap niya ito ng sobrang higpit. Mahigpit na mahigpit. She caress his injured back. Sinagip na naman siya nito. Labis-labis ang pasasalamat niya rito na dumating ito just right on time. Kung hindi ay baka lasog-lasog na ang mga buto niya. Nadagdagan na naman ang utang na loob niya rito. Ito talaga yata

