Metro Manila Apat na araw na ang nakalipas simula nang lisanin ni Uela ang isla. Hinang-hina pa rin ang pakiramdam niya. Wala siyang gana. Buong araw na lang siyang nakahiga. Hindi pa siya makapagsulat sapagkat wala siyang laptop. Kailangan niya pang mag-apply sa home credit. Wala siyang pambili ng cash kaya sa hulugan muna siya magtitiis. Nami-miss niya na ng sobra si Terrence. Naalala niya ito palagi. Palagi niyang binabalikan ang mga pinagsamahan nila sa isla. Napatigil siya sa pag-iisip nang may marinig siyang kumatok sa pinto. Hindi niya iyon pinansin. Ayaw niyang paistorbo. Wala siya sa mood na makipag-usap. Sunod-sunod pa uli ang mga katok na narinig niya. Kasabay niyon ang pagbukas ng pinto. Ang Mama Elsa niya ang pumasok. "Hoy, Louela bumangon ka na diyan," anang mama niya at

