Mga two days na mula nang makabalik si Terrence galing sa isla. Agad niyang tinawagan si Vincent para ipaalam na andito na siya sa Maynila. Balak niyang makipagkita sa mga ito. Nagkayayaan silang mag-bar hopping at clubbing gaya nang ginagawa nila pag nagkikita-kita sila. Ito na ang huling araw niya bago bumalik ulit sa trabaho. He wants to spend the last night with his good friends. Na-miss niya rin ang mga ito. Sa isang bar sa BGC sila nagkasundong magkita-kita. Sakay na siya ng kanyang kotse papunta roon. Mabagal ang takbo niya dahil sa trapik. As usual Manila traffic. Hindi na talaga nabago iyon kahit kailan. Nataon pang friday ngayon at rush hour pa kaya pahirapan talaga. Wala na siyang nagawa kundi mapabuntong hininga. Matiyaga niyang binabaybay ang C5 papunta roon. Kapwa papun

