******** "Sigurado na ba talaga siyang itong lalaking 'to ang kapatid niya? Hmm wait, ays! Ano ka ba naman jelai! Bakit ka pa nagtatanong diyan eh magkamukhang magkamukha nga sila oh, tsk bahala na nga," nasabi ko na lang sa isip ko bago ako nagdesisyong lumapit sa lalaking itinuro sa'kin ni Sir Vlad. Habang papalapit ako sa kinaroroonan ng kapatid ni Sir Vlad ay napako na rin ang tingin ko rito, kunti na lang ay malalapitan ko na sana siya no'ng bigla akong natigil sa paghakbang dahil... "Kyaaaaaaahhhh! Si Prince Zyller!" Halos mangunot ang noo ko sa malakas na tili ng isang babaeng dumaan sa harapan ko palapit sa kinaroroonan ng kapatid ni Sir Vlad, hindi nagtagal ay dinumog na rin ng iba pang mga babae sa bar ang lugar kung saan nakaupo ang sinasabi nilang si prince zyller. "OMG! A

