Vlad's point of view...
************
I'm currently reading my favorite book habang nakaupo sa malambot na couch dito sa loob ng kwarto ko. Sa ilang taon kong pananatili sa mundong ito bilang isang kaluluwa ay natutuhan ko na rin ang humawak ng mga bagay sa paligid ko.
When I am still alive, I used to drink in different bars with my friends, infact, that was the reason of our sudden death. Lasing na lasing kaming lahat noon, pero pinilit ko pa rin na ako ang magmaneho dahil pakiramdam ko ay kaya ko pa, pero nagkamali ako at mabilis na nangyari ang aksidenteng hindi ko inasahan. Naibangga ko ang sinasakyan naming kotse sa isang truck at parehas na nahulog sa bangin ang mga sasakyan namin, hanggang sa mamatay na lang kaming lahat, kasama ang mga sakay ng truck na nabangga ko no'ng gabing iyon.
Pinagsisihan ko ang lahat ng nangyari, noong una ay hindi ko matanggap ang nangyari sa'kin dahil masyado pa akong bata para mamatay. Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko, kaya siguro hindi ako sumama kay Dad, no'ng sunduin ako nito. Siguro nga ay ito na talaga ang kapalaran ko at wala na akong ibang magagawa kundi ang tanggapin ito. Mahiwaga ang buhay, hindi na'tin alam kung kailan tayo mamamatay at kung paano iyon mangyayari. Ngunit gayunpaman ay hindi ko pa rin kaya ang umalis, lalo na't may gusto pa akong gawin, isang bagay na dapat sana ay matagal ko nang ginawa no'ng nabubuhay pa ako, ang hanapin ang kapatid ko at sabihin sa kanya ang lahat ng totoo.
Ngunit habang tumatagal ako sa mundong ito ay unti-unti na rin akong nawawalan ng pag-asa, parang imposible na matupad ko pa ang lahat ng iyon dahil wala naman ibang nakakakita sa akin. Walang ibang pwedeng makatulong sa akin dahil hindi nila ako nakikita o naririnig man lang.
Hanggang sa dumating na lang ang araw na makita ko si Jelai, una ko pa lang siyang masilayan ay parang pamilyar siya, may kakaiba akong naramdaman sa kanya, para bang ang gaan agad ng loob ko sa kanya, pero hindi ko naman alam kung bakit...
But another thing caught my attention, I'm visible to her, napapansin niya ako, at para bang sa paningin niya ay hindi ako isang kaluluwa na lamang. Naalala kong may mga tao nga palang mayroong third eye, kaya naisip kong baka isa na siya sa mga taong may gano'ng kakayahan. Nabuhayan ako ng loob dahil pwede ko siyang hingian ng tulong para hanapin ang kapatid ko. Akala ko ay tuluyan na siyang tatanggi sa pinag-usapan namin, pero hindi...
***********
Jelaica's point of view...
Isang Linggo na ang lumipas magmula no'ng dumating kami rito sa mansion and so far maayos naman ang trabaho namin dito. Mahirap, pero kailangang sipagan para kumita ng pera.
Isang linggo na rin no'ng huli kaming nag-usap ni Sir Vlad, hindi ko na rin siya nakikita at hindi na yata ito lumalabas ng kwarto niya. Ayoko mang aminin pero sa tuwing maglilinis ako sa mga kwarto sa itaas ay hinihintay kong lumapit siya sa akin o puntahan man lang ako para kausapin. "Hmmm bakit nga ba?"
Natigil na lang ako sa pag-iisip no'ng makita kong matatapos na pala ako sa paghuhugas ng mga pinggan dito sa kusina, isang pinggan na lang sana ang babanlawan ko no'ng bigla naman mawala ang tubig sa gripo, nangunot ako at, "Ano'ng nangyari?" pagtataka ko, pinihit ko nang pinihit ang faucet pero wala na talagang lumalabas na tubig.
"Hala, ano'ng nangyari? Nasira ko ba?" Napakagat na lang ako sa labi ko at nagdesisyong tawagin na lang sana si Mang Kanor, kaso no'ng aalis na ako ay bigla naman bumukas ng kusa ang gripo at rumagasa ulit ang tubig dito.
"Hey!" bungad na sabi sa akin ni Sir Vlad, para gulatin ako, pero napalunok na lang ako no'ng sa halip na magulat ay mas nakaramdam pa ako ng excitement.
"K-kayo pala Sir," tanging nasabi ko habang nakatingin lang sa kanya. Gusto kong ngumiti pero hindi ko magawa at pawang pagtitig lang talaga ang nagawa ko, dahil naninibago, lalo yata siyang gumagwapo sa paningin ko?
"O, bakit ganyan ka makatingin? What's wrong?" tanong nito, dahilan para mapakurap ako.
"Ah, eh, wala po, Sir." Napatungo na lang ako dahil sa hiya at palihim na napapikit.
"hays ano ba kasing ginagawa mo jelai, bakit kailangan mo pa siyang titigan!" Pagwawala ko sa isip ko.
"Ahm Jelai, can we talk?" tanong nito, na dahilan para matigil ako sa pag-iisip at sulyapan siyang muli nang may ngiti sa labi.
"Yes Sir," sagot ko naman agad na ginantihan lang din niya ng ngiti.
************
Nandito na kami ngayon sa kwarto niya at nag-uusap ng masinsinan, pero bakit masinsin ko rin siyang tinititigan,"Hmmp! Gwapo talaga nito 'no? Artistahin," nasabi ko sa isip ko habang sinusuri ang kabuoan niya.
"Jelai, are you okay?" tanong niya, dahilan para matigil ako sa pag-iisip ng kung anu-ano.
"Ah, ha? Yes Sir," mabilis na sabi ko, dahilan para kumunot ang noo niya ng bahagya.
"Really? Kanina pa kasi kita tinatanong regarding our plan, pero nakatitig ka lang sa'kin," sabi nito, na ikinalunok ko ng maraming beses... "Seryoso? Ays nakakahiya kana talaga self!"
"Ahm, s-sorry, Sir, may iniisip lang," nasabi ko na lang.
"Okay, so ganito, ako na lang ang mag-iisip ng plano kung paano at saan tayo mag-uumpisang maghanap, and I'll just update you tomorrow with the final plan, okay lang ba 'yun sa'yo?" sabi nito, na tinanguan ko naman agad.
"Yes, Sir, okay na okay po sa'kin!" sagot ko naman, dahilan upang ngumiti siya sa'kin kaya ginantihan ko rin siya ng ngiti. Napalunok na lang ako sa sariling laway, no'ng maramdaman ko na para bang nasisiyahan na ako sa tuwing nakikita ko siyang ngumingiti.
"Jelai? Hey, natutulala ka nanaman," sabi nito na ikinaawang ng bibig ko.
"Ah, sorry Sir!" Napatungo na lang ako sa inis ko sa sarili ko, "Ano na girl? Kaya mo pa?"
"May problema kaba? You can tell me," tanong niya dahilan para balingan ko siya ng tingin at, "W-Wala po, Sir, ahm dala lang po siguro ito ng pagod," sagot ko naman.
"Oh okay, sige, you may go now, para makapagpahinga ka," sabi nito, na marahan ko namang tinanguan.
"Okay Sir," sagot ko na rin at pagkatapos ay nagpunta na ako sa pinto ng kwarto at binuksan ito, pero bago pa ako tuluyang lumabas ay siniguro ko muna na walang ibang taong makakakita sa akin, dahil mahirap na.
No'ng makababa na ako ng hagdan ay naisipan kong magpunta muna sa kwarto namin ni Alice. Pagkarating ko sa loob ng kwarto ay ibinagsak ko agad ang aking sarili sa malambot na kama at pagkatapos ay napatingala na lang sa kulay grey na kisame.
"Bakit gano'n, hindi na ako mapakali kapag kausap ko siya, ang hilig ko pang titigan siya? Attracted ba ako sa kanya?!" Napakamot na lang ako ng ulo sa mga sinasabi at iniisip ko, hindi ko alam kung bakit ako attracted sa kanya, kung 'yun nga ba talaga, pero sino ba naman kasi ang hindi maattract at magkakacrush sa tulad niya? Ang gwapo niya kaya at ang bait pa...wait?...natutop ko ang sariling bibig no'ng ma-realize kong...
"Crush?"