Chapter 2: Help Me

2009 Words
******* Nakahilata na ako ngayon sa kama ko habang naghihintay ng tawag nila nanay, ang sabi kasi sa'kin ni ate ay ngayong oras sila tatawag sa'kin. Ilang sandali pa ay napabangon ako at pinili kong umupo na lamang dahil hindi pa naman ako dinadalaw ng antok, napasulyap naman ako kay Alice at napangiti ako no'ng makita kong tulog na tulog na ang gaga. Kinuha ko na lang ang cellphone ko at sinipat ang oras dito, 10:30 na ngayon ng gabi. "Ang tagal naman ng tawag nila," nasabi ko sa isip ko, habang matiim lang akong nakatitig lang sa screen ng phone. Hindi nagtagal ay napangiti ako no'ng bigla na lang mag-ring ang cellphone ko... "Hello, Ate?" sagot ko kaagad sa tawag. "Oh hello! Heto si nanay kakausapin ka raw," sagot naman ni ate sa kabilang linya, narinig ko pang iniabot niya ang cellphone kay nanay at... "Hello, Anak, kumusta ang byahe niyo? Napagod ba kayo sa byahe? Madali niyo bang nahanap 'yang lugar? Kumain ka na ba anak?" sunod-sunod na tanong ni nanay, dahilan para mapangiti ako at maipikit ko ang mga mata ko. "Nay, okay lang po ako, hinay-hinay lang po sa pagtatanong isa-isa lang po," tanging nasabi ko, bago ko pa imulat muli ang mga mata ko. "Pasensya kana anak, hindi lang ako mapakali at gusto ko lang masiguro na okay ka riyan," sagot naman ni nanay. "Salamat, Nay, pero okay lang po talaga ako, ligtas po ang naging biyahe namin at Nay, kumain na rin po ako, kaya 'wag na ho kayong mag-alala, ang mabuti pa siguro ay matulog na ho kayo dahil malalim na rin po ang gabi," mahinahon kong sagot, na dahilan para marinig ko ang pagbuntong-hinga ni nanay. "Oh sige anak, basta mag-iingat ka ha!" "Opo Nay, goodnight po," sagot ko naman, ilang sandali pa ay nawala na rin sa kabilang linya si nanay, napangiti na lang ako ng bahagya. Matutulog na sana ako no'ng makaramdam ako ng panunuyo nang lalamunan, nakasanayan ko na kasi ang uminom ng tubig bago matulog, kaya naman kinuha ko ang cellphone ko para gawing flashlight sa labas. Nasa 1st floor naman kami kaya madali lang akong makakapunta sa kusina. Lumabas ako ng kwarto at bumungad sa akin ang kadiliman, hinanap ko muna ang switch ng mga ilaw, at no'ng mahanap ko na ay pinindot ko ito hanggang sa mailawan na nga ang buong paligid. Napakatahimik at walang katao-tao, nakakatakot din, pero wala naman akong nararamdamang kakaiba sa paligid kaya nagtuloy na ako sa kusina para kumuha ng tubig. No'ng makarating na ako sa kusina ay hinanap ko agad ang refrigerator. No'ng makita ko ito ay lumapit ako rito para buksan at maghanap ng tubig, nasipat ko naman ang isang glass na pitsel, kaya naman inilabas ko ito sa refrigerator at pagkatapos ay nagsalin na ako ng tubig sa baso. Isinara ko na rin agad ang refrigerator no'ng maibalik ko na sa loob ang pitsel. Ininom ko na rin ang tubig sa baso, pero pagkatapos na pagkatapos ko pa lang sa pag-inom ay bigla akong nakaramdam ng malakas at malamig na hangin, na para bang dumaan ito sa aking likuran. Mabilis 'yun kaya agad akong lumingon sa likuran ko, pero nangunot ang noo ko no'ng wala naman kahit na ano akong nakita. Napailing na lamang ako at hindi ko na lang ito pinansin, ibabalik ko na sana ang baso no'ng mapansin kong nakabukas ulit ang refrigerator. "Teka nga, isinara ko naman ito diba? Hmm." Kahit may pagtataka ay isinara ko na lang ito ulit. Aalis na sana ako no'ng bigla na lang bumungad sa harapan ko ang isang lalaki, gulat na gulat ako, pero napawi rin iyon no'ng makilala ko kung sino siya. "Naku Sir! Ginulat niyo naman po ako," sabi ko sa lalaking nakatayo ngayon sa aking harapan. Ito ay walang iba kundi ang lalaking nakita kong sumusunod sa amin kanina lang, "Hmm ang gwapo niya pala talaga 'no! Lalo na sa malapitan," naisip ko. Ngunit ilang segundo na ang nagdaan ay hindi man lamang siya umimik, bagkus ay matiim lang itong nakatitig sa akin, kaya naman naisipan ko na lang sana ang umalis at... "Ahmm, sige po Sir, matutulog na po ako," pagpapaalam ko, pero bago pa ako tuluyang makaalis ay pinigilan ako nito... "Wait," pagpigil nito sa'kin, hanggang sa makita kong unti-unti siyang lumalapit sa akin. "Bakit po Sir?" nahihiya ko naman na tanong, pero hindi ulit siya umimik, bagkus ay mas lalo pa itong tumitig sa akin, "Eh ano'ng problema nito?" "Ahmm, Sir, m-may dumi po ba ako sa mukha?" tanong ko, dahilan para umiling siya. "I need your help," sabi nito na nagpakunot ng noo ko. "Po?" nagtataka ko naman na tanong. ********** Nagpunta kami sa dining area at doon kami nag-usap. Hindi ako makapaniwalang kaharap ko ngayon ang lalaking gusto kong sulyapan ng sulyapan kanina lang. "Ahm Sir, ano po bang tulong ang hihingiin ninyo?" Pangbabasag ko sa katahimikan, dahil hindi ko maintindihan kung bakit nakatingin lang siya sa'kin ngayon, na para bang ngayon lang din siya nakakita ng babae o tao, tsk. "I-I need your help to find my brother," seryoso nitong sabi na ikinakunot ng noo ko. "Hah? Ah, eh, bakit po ako? Kayang kaya niyo naman pong mag-hire ng ibang tao para hanapin ang kapatid niyo," sagot ko, dahil totoo naman ang mga sinasabi ko,"sa yaman niyang 'to? bakit niya kakailanganin ang tulong ng isang maid na kagaya ko, para hanapin ang kapatid niya?" nasabi ko sa isip ko. "Ikaw lang ang gusto kong tumulong sa'kin," sagot niya na lalong nagpakunot ng noo ko. "Ano bang pinagsasabi nito, ang weirdo lang?" naguguluhan ako sa mga pinagsasabi niya kaya naman... "Ahm, Sir, bagong salta lang po kasi ako rito, hindi ko pa po alam ang mga pasikot-sikot sa buong maynila, eh dito pa nga lang po sa bahay niyo nalilito na ako, sa labas pa ho kaya?" mahinahon kong sagot pero mariin itong umiling at... "Please, I badly need your help, don't worry, I'll pay you back kahit magkano pa ang gusto mo," sagot niya, na agad ko namang ikinalunok. "Seryoso po? Hindi kayo nagbibiro?" natanong ko, dahilan para tumango ito. "Deal?" tanong niya habang matiim na nakatitig sa akin, nagtama ang aming mga mata dahilan ng sunod-sunod kong paglunok ng sariling laway. "Ah, ehhh." Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko dahil nakaka-distract naman masyado ang kagwapohan niya, este 'yung titig niya. "Deal?" pang-ulit niyang tanong bago ito ngumiti ng matamis sa'kin,"Eh, nagpapacute ba 'to sa'kin?" naisip ko, pero gayunpaman, pakiramdam ko ay nanlalambot ako at unti-unti nang matutunaw sa mga titig nitong parang tumatagos hanggang kaluluwa ko! "Ahh ehh, oo na nga Sir!" wala sa sariling naisagot ko, para lang tigilan na niya ang pagtitig sa akin dahil hindi ko na talaga kaya... "Okay!" sabi nito at masaya itong ngumiti sa akin, bago siya tuluyang umalis at iwanan na akong mag-isa rito sa dining. "Ays! Anong gagawin ko niyan!" Napakamot na lang ako sa ulo ko no'ng maisip ko na para bang napasubo ako. Napatampal na lamang ako sa noo ko, bago ako umalis sa dining at bumalik ng tuluyan sa kwarto namin ni Alice. Pagpasok ko sa kwarto ay agad kong tinungo ang kama ko at pabagsak na humilata ako rito, sandali nanaman akong natigilan at napaisip kung ano ang gagawin ko sa offer na tinanggap ko, "Ays! Bahala na talaga!" Naisubsob ko na lang ang mukha ko sa malambot na unan, hanggang sa hindi ko na namalayan pa ang paghila sa akin ng antok. ______________ Alice point of view... ******* "Bessy! Gumising kana riyan uy!" panggigising ko sa tulog mantikang si Jelai. "Ahmmmm..." "Gumising kana! Kailangan na natin mag-umpisang magtrabaho!" pagkasabi ko no'n ay unti-unti na rin siyang naalimpungatan at bumangon sa pagkakahiga. "Anong oras na bessy?" tanong niya habang hihikab-hikab pa. "6:00 na po ng umaga," sagot ko na ikinalaki ng mga mata niya. "Hala! Bakit ngayon mo lang ako ginising!" sabi nito, bago ito kumaripas nang takbo sa maliit naming banyo dito sa loob ng kwarto. "Aba ako pa ang sinisi?" nasabi ko na lang sa isip ko. "Eh, akala ko kasi magigising ka na ng kusa, oh heto uniform mo, isuot mo na rin," sabi ko, sabay abot ng maid uniform sa kanya sa may banyo. Agad naman niya itong kinuha maya maya pa ay may kumatok sa pinto ng kwarto namin, kaya naman nilapitan ko at pinagbuksan ko muna ng pinto. "Good morning, ipinapatawag na kayo ni Aling Magda para sa breakfast," bungad na sabi ni Elsa. "Ah gano'n ba, sige susunod na lang kami, salamat," sagot ko. Tumango naman siya at pagkatapos ay ngumiti. No'ng matapos naman mag-ayos at magbihis si Jelai ay niyaya ko na rin siyang lumabas ng kwarto para magpunta sa may kusina. Pagkarating namin sa kusina ay pumasok kami sa kwarto kung nasaan ang dining area, dahil doon daw pala kami kakain. Pagkapasok namin dito ay nadatnan namin na kumakain na sa hapag sina Aling Magda, Gina at Elsa, kasama rin nila ang isang lalaki na medyo may edad na. Mahaba ang lamesa at maraming pagkaing almusal ang nakahain rito, "Aba, sosyal naman naming mga maids dito," nasabi ko sa isip ko. "Maupo na kayo para makakain na," alok sa amin ni Aling Magda, kaya naman umupo na rin kami at nagsimula nang kumain. "Siya nga pala si Kanor, ang driver dito," pagpapakilala ni Aling magda sa lalaking may edad na, at ngayo'y kasalo namin sa pagkain. Nginitian lang namin si Mang kanor at gano'n din siya sa'min. "Ahmm, Aling Magda, wala po ba rito 'yung anak ng may ari ng-" Naputol ang sana'y sasabihin ko no'ng bigla akong kalabitin ni Jelai at tinignan ng masama, "Grabe naman 'to, parang nagtatanong lang eh," sabi ko na lang sa isip ko sabay irap sa kanya. "Wala," sagot ni Aling magda na parang alam na niya ang gusto kong itanong, "Hehe, nice one, Aling Magda!" "Eh Nasaan po?" tanong ko ulit, dahilan para panlakihan na ako ng mata ni Jelai. "Alice ano ba," saway pa nito sa'kin. Natigil siya no'ng biglang tumayo si Aling Magda at umalis, ilang saglit lang ay bumalik siyang may dalang picture frame. Sa loob no'n ay picture ng isang lalaki at hmmm, infairness, sobrang gwapo niya. "Sino po siya?" tanong ko na rin, sumulyap ako kay Jelai at napansin kong nanahimik siya. "Siya ang anak ng may-ari ng mansion na ito, ang mga magulang niya ang nagpapasahod sa atin ngayon," sabi ni Aling magda dahilan para tumango-tango naman ako sabay sulyap kay Jelai, na ngayon ay nagpapatuloy lang sa pagkain. "Ano na nga po ulit ang pangalan niya?" pagtatanong naman ni Elsa. "Siya si John Vladhimir Buena," sagot naman ni Mang kanor. Tumango naman ako, sumulyap ulit ako kay Jelai na ngayon ay umiinom na ng tubig. "Pero patay na siya," sabi ni Aling Magda, dahilan para magulat ako, hindi dahil sa nalaman kong patay na ang lalaki, kundi dahil nakaramdam ako ng pamamasa sa aking pisngi dulot ng mabugahan ako ng tubig ni Jelai sa mukha, "Arrgg! Jelai naman! Nakakadiri!" Napapikit na lang ako habang pinupunasan ko ng panyo ang mukha ko. Pagkatapos ay sumulyap ako sa kanya para sana bulyawan siya kaso napansin kong sobra ang pamumutla niya. "Bessy, okay ka lang?" tanong ko sa kanya pero parang hindi ako nito naririnig at sa halip ay... "P-Patay? Patay na po siya? " nauutal na tanong nito kay Aling Magda. "Oo, namatay siya sa isang car accident 3 years ago," sagot naman ni Aling Magda sa tanong niya, dahilan para matulala lang si Jelai na para bang naging malayo na ang iniisip nito. "Kaya pala," bigla na lang niyang nasabi. "Hah?" tanong ko habang nakakunot pa ang noo. "Ahh w-wala, kumain na po tayo," sabi niya na lalong nagpakunot ng noo ko. Napailing na lamang ako at hindi ko na lang siya pinansin, nagpatuloy na rin ang lahat sa pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD