Chapter 3: Restricted Room

1894 Words
Jelaica's point of view... ********* Pagkatapos ng breakfast ay nagsimula na rin kaming gawin ang mga nakatokang trabaho para sa amin dito sa loob ng mansion. Si Alice ang nakatoka sa paglilinis doon sa living room, samantalang si Gina naman ang kasama ni Aling magda sa dirty kitchen para magluto ng tanghalian pagkatapos nilang mamalengke. Kaming dalawa naman ni Elsa ang nakatoka sa paglilinis sa mga kwarto sa 2nd floor at 3rd floor. Ang pagkakatanda ko ay apat ang kwarto sa 2nd floor at tatlo naman ang nasa 3rd floor. Paakyat na kami ngayon sa 2nd floor, pero tulala pa rin ako dahil hindi pa rin talaga maalis sa isipan ko ang tungkol sa lalaking iyon. Sinasabi ko na nga ba at may kakaiba sa kanya, hmmm... na distract lang ako masyado kaya hindi ko na napansin na multo na pala siya!.. Napakamot na lamang ako sa ulo ko at akmang papasok na sana ako sa isang kwarto no'ng pigilan ako ni Elsa. "Ahmm, Jelai, sandali," pagpigil nito sa akin, dahilan upang balingan ko siya ng tingin na may halong pagtataka. "Bakit?" tanong ko naman kaagad. "Bawal kasi tayong pumasok diyan, restricted room ang tawag namin diyan, kasi bawal nga kaming pumasok," paliwanag niya na ikinakunot ng noo ko. "Huh? Bakit naman?" pang-uusisa ko pa. "Hindi namin alam eh," tanging naisagot niya, kaya naman tinanguan ko na lamang siya at pinili ko na lamang ang magpunta sa katabi nitong kwarto. Pumasok ako roon at nag-umpisang magpagpag ng mga unan. Hindi naman masyadong marumi at maalikabok ang mga ito sa kadahilanang hindi naman kasi ito napapasukan ng hangin mula sa labas dahil laging nakasarado ang mga bintana. Hindi nagtagal ay nagsimula na rin akong magwalis sa sahig, natigil ako sa ginagawa no'ng makaramdam ako ng kakaibang lamig sa bandang bahagi ng likuran ko, napalunok na lamang ko no'ng maisip kong... "N-nandito kaya siya?" Naglakas loob na lamang akong lumingon sa likuran ko, na muntikan ko pang ikabuwal sa pagkakatayo dahil hindi nga ako nagkamali. Narito siya ngayon, kaharap ko at napakalayo ng itsura nito ngayon sa gwapo niyang itsura. Duguan ang suot niyang puting long sleeve at sobrang namumutla ang kutis nito. Namumuti rin ang mga labi niya at nangingitim ang paligid ng kanyang mga mata. Kitang-kita ko rin ngayon ang lumalandas na dugo sa pisngi niya na nagmumula sa basag niyang ulo. "B-Bakit?" nauutal kong tanong, habang pilit kong nilalabanan ang kaba na nangingibabaw sa akin ngayon. Napasinghap ako no'ng mapansin kong unti-unti siyang lumalapit sa akin, matiim itong nakatitig sa akin kaya naman agad akong napaatras. Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko para hindi ko makita ang makapigil-hinginga nitong pagtitig sa akin. "Don't be afraid, I won't hurt you." Natigilan ako no'ng magsalita siya. Marahan kong iminulat ang mga mata ko at nakahinga ako ng maluwag no'ng makita kong maayos na ulit ang itsura nito, or should I say, gwapo na ulit siya. "Ano bang g-ginagawa niyo r-rito?" nauutal na tanong ko rito. "Don't you remember?" tanong niya. "Hah?" sagot ko naman "About our deal last night?" sabi niya. "D-Deal?" pag-aalangan kong tanong. "Yeah, so what's the plan?" tanong niya pa dahilan para mapatungo ako. "Ahmm w-wala, walang plano dahil ayoko, ayoko na po! Nagbago na ang isip ko binaba-" Naputol ako sa pagsasalita no'ng bigla ako nitong sunggaban, dahilan para matigilan ako at mapatitig sa kanya dahil sobrang lapit na ng mukha niya sa'kin. "No! Hindi kana pwedeng mag-quit! Ang usapan ay usapan," galit na sabi niya, dahilan para mapalunok nanaman ako ng maraming beses. "P-Pero, napilitan lang ako," sabi ko dahilan para lalong mapakunot ang noo niya. "Tsk, that's not true! Hindi kita pinilit dahil kusa kang pumayag," sabi niya, at pagkatapos ay lumayo na ito sa akin. "Okay, okay! Aaminin ko, pumayag ako dahil akala ko kasi... paano ba 'to? Akala ko kasi hindi ka multo! Akala ko tao ka lang din na buhay gaya ko," sabi ko, dahilan para tumahimik ito sandali, hanggang sa marahan na itong tumango. "Fine," pagkasabi niya no'n ay nakita ko kung paanong unti-unti itong manlumo at malungkot, hanggang sa bigla na lang din siyang naglaho na parang usok at sumama sa hangin. Napabuntong-hinga na lamang ako at mahigpit na napahawak sa hawak kong walis tambo. ************* Inabot na ako ng alasdose ng tanghali bago ko tuluyang natapos ang paglilinis ng mga kwarto, bumaba na ako mula sa 2nd floor at pagbaba ko ay sakto naman na niyaya ako ni Alice para magpunta sa dining area dahil magtatanghalian na raw ang lahat. No'ng makarating kami roon ay nakisalo na kami sa hapag upang sabay-sabay na kaming kumain ng pananghalian. Ilang oras din ang nagdaan ay oras na ng aming pahinga at nandito kami ngayon ni Alice sa malawak na sala. "Bessy, nakakapagod 'no," sabi ni Alice habang nakaupo kaming dalawa sa malambot na sofa. "Gano'n talaga, kailangan na'tin ng pera eh," sagot ko naman sa kanya. "Bessy, sino kaya 'yung nakita mong lalaki rito sa bahay kahapon 'no? For sure naman, hindi 'yun 'yung anak ng may ari ng mansion na 'to kasi patay na nga raw," natigilan ako sa mga sinabi niya pero... "H-Hindi ko rin alam eh," sagot ko na lang. Bigla naman pumasok sa isip ko ang tungkol sa lalaking 'yun. Hindi ko alam kung bakit, pero parang inuutusan ako ng isip kong sumulyap sa malaking glass window, kaya naman ginawa ko ito at bahagya pa akong nagulat no'ng makita ko siyang nakatayo roon habang matiim na nakatitig sa akin. Malungkot siyang nakatingin sa akin pero ilang saglit lang ay nag-iwas na rin ito ng tingin at unti-unti muling naglaho na parang usok. Hindi ko alam, pero pakiramdam ko nakokonsensya ako, pumayag ako sa deal namin kagabi pero hindi ko ito pinanindigan, alam kong multo na siya at hindi na dapat pa ako nagkakaroon ng koneksiyon sa katulad niya, pero... "Oh, bessy, saan ka pupunta?" tanong ni Alice no'ng mapansin niya akong tumayo sa sofa at akmang pupunta sa may hagdan. "May naiwan lang ako sa isang kwarto sa itaas, kukunin ko lang," pagdadahilan ko. "Ah, o sige," sagot naman nito. Ngumiti ako sa kanya bago ako nagmadaling magpunta sa may hagdan, no'ng makarating ako rito ay umakyat na rin agad ako sa taas. Natigil ako no'ng makita ko siyang nakatayo sa harap ng pinto ng isa sa mga kwarto, napatungo ako no'ng bigla itong lumingon sa akin, no'ng balingan ko ulit siya ng tingin ay nakita kong tumagos ito sa isang kwarto. Ang restricted room, pero bakit nagpunta siya roon. Nilapitan ko ang pinto at sinubukan ko itong buksan, pero naka lock. Napabuntong-hinga na lamang ako at akmang tatalikod na no'ng marinig kong mabuksan ang pinto, nakapagtataka man ay hinawakan ko ang doorknob at marahang ibinukas ang pinto. No'ng tuluyan ko itong mabuksan ay bumungad siya sa akin at nakita kong nakaupo lang siya sa may kama. "Come in," alok nito, dahilan para mapalunok ako, tumungo na lamang ako bago ako tuluyang pumasok sa loob at marahang isinara ang pinto. "Ano'ng kailangan mo sa'kin?" tanong niya sa malamig na tono. Nakakapanibago, parang ang suplado niya naman yata. "S-Sasabihin ko lang sana na, pumapayag na ako," napatungo na lamang ako sa sinabi ko. Hindi nagtagal ay bigla naman akong nakaramdam ng malamig na hangin na dumaan sa harapan ko. "Talaga?" bulong niya sa'kin mula sa likod ng tenga ko, dahilan para kilabutan ako at piniling hindi na lang siya tignan at lingunin. "Thank you! Miss?" malumanay niyang sabi, habang papunta na ito sa harapan ko. Nabaling ang tingin ko sa kanya no'ng tuluyan na itong makatayo sa harap ko. "Ahmm, J-Jelai na lang po," sagot ko, dahilan para sumilay ang matamis na ngiti nito sa labi. Ang akala ko ay suplado ito, pero mukhang nagkamali naman ako. "I'm Vlad," pagpapakilala naman niya sa akin, tumango naman ako bago ko siya ngitian. Ilang sandali pa ay umupo na ito sa kama, inilibot pa nito ang paningin sa paligid bago nagsabing, "This is my room, kaya bawal ang ibang tao rito." Napatitig ako sa kanya dahilan upang tumingin din ito sa akin at hindi sinasadyang magtama ang mga mata namin, halos matigilan ako no'ng makita kong ngumiti ito sa akin, bago muling ibaling sa paligid ng kwarto ang paningin nito. Lalo siyang gumagwapo kapag nakangiti... "How old are you?" tanong nito, nakatingin ito ngayon sa akin, kaya't tumungo na lamang ako. "19 po, ahm kayo po Sir?" balik na tanong ko sa kanya, "Getting to know each other lang ang peg?" nasabi ko na lang sa isip ko dahil sa tanungan portion naming ito. "I'm 21," sagot niya, na tinanguan ko naman ng marahan. "Humingi ako ng tulong sa'yo dahil ikaw lang ang nakakakita sa'kin, at ikaw lang din ang kayang makipag-usap sa'kin, pero don't worry, babayaran kita, nasa volt lahat ng pera ko at nandito 'yun sa kwarto ko." Wala sa oras na napatingin ako sa kanya dahil sa mga sinabi niya,"kaya pala gano'n na lang siya makatitig sa'kin kagabi," naisip ko naman habang marahang tumatango. "Sino po ba ang hahanapin natin Sir?" tanong ko, narinig kong bumuntong-hinga siya bago ito magbaling ng tingin sa akin. "My brother, we're twins, kaya hindi kana mahihirapang hanapin siya," sagot naman niya, natigilan ako no'ng ma-realize ko ang isang bagay. "P-Pero, bagong salta nga lang po ako rito," sabi ko, dahil totoo naman na hindi ko pa alam ang pasikot-sikot dito sa maynila. "Don't worry, I'll go with you," sagot niya, na ikinangiti ko. "Bakit po ba gusto mo siyang hanapin Sir? May gusto po ba kayong sabihin sa kanya na ikabubuti ng buhay niya? O ikatatahimik ng kalukuwa niyo? Ano Sir?" sunod-sunod na tanong ko rito, pero ngumiti lang ito sa akin bago tumungo at nagsabing, "Malalaman mo rin iyan, kapag nahanap na na'tin siya." Tumango na lamang ako sa mga sinabi niya at hindi na muling nang-usisa pa, dahil tama naman siya, malalaman at malalaman ko rin iyon, kapag nahanap na namin ang kapatid niya. Hindi nagtagal ay nabaling muli ang tingin ko sa kanya dahilan para bigla akong mahiya dahil nakatitig na pala ito sa akin. "S-Sige po, Sir, lalabas na ho ako, at baka matunaw pa ako rito," pabulong kong sabi sa part na 'matunaw pa ako rito' "What?" agad na tanong nito, kaya naman napakagat na lang ako sa ibabang labi ko no'ng maisip kong, baka narinig niya 'yung ibinulong ko. "Ahm, sabi ko ho lalabas na po ako baka h-hinahanap na po nila ako Sir, pwede na po ba?" pagdadahilan ko, napansin kong kumunot ang noo nito bago siya tuluyang tumango. "Sige," pagkasabi niya no'n ay naglakad na ako papunta sa may pinto, at no'ng buksan ko ito ay sumilip-silip muna ako sa labas dahil mahirap na at baka may ibang makakita sa'kin, akmang lalabas na sana ako no'ng pigilan niya ako... "Ah, Jelai, sandali," pagpigil nito sa'kin, kaya naman nilingon ko siya agad. "Dito na ang magiging meeting place na'tin lagi," sabi nito, bahagya pang nangunot ang noo ko, pero ilang saglit lang ay marahan ko na rin itong tinanguan. "S-Sige po, Sir," tanging sagot ko na lang bago pa ako tuluyang lumabas ng kwarto at balikan si Alice sa may living room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD