MIGGY “B-baka makapatay ka—” Pulang-pula siya nang mag-angat ng tingin sa ‘kin. Binitiwan ko ang lalaking kaya bumulagta siya sa lapag. Hindi pa ganap na kinakain ng kanyang heat si Shayne. Pero patungo na siya ro’n. Amoy na amoy ko na rin ang kanyang Pheromones. Kaagad ko siyang binuhat. “Wala akong dalang pangontrol.” Paalala ko sa kanya. Simula nga no’ng mahilo ako sa mga Pheromones ng ibang Omega, nawalan na ‘ko ng gana na pag-initan sila. Palaging si Shayne lang ang laman nang isip ko sa pagsasarili. Nahahalina ako sa amoy niya. Nag-iinit ang buong katawan ko. Kailangan ko siyang maipasok sa sasakyan para mainom niya ang gamot niya at pansamantala akong lalayo sa kanya hangga’t hindi ‘yon bumababa. Bulagta pa rin ang mga lalaking nadaanan ko. Sisiguruhin ko na hindi ito an

