SHAYNE Mama… Pinilit kong pindutin ang cellphone ko kahit nanginginig ang aking mga kamay. Hindi ako sigurado kung tama ang naging pagpindot ko para matawagan ang tanging lalaking pumasok kaagad sa isipan ko. Itinulak ako ng lalaking kanina pa humahawak sa ‘kin sa pader. Inikot ko ang paningin ko kahit pinanlalabuan na ‘ko. Kailangan kong makahanap ng malinaw na detalye. “Likuran ng mall—“ “Oo, subukan natin dito na gawin iyong matagal ko nang gustong gawin sa ‘yo…” ngisi nang lalaki kasunod nang paglanghap sa ‘kin, “Ahh, sh-t! Iba ang amoy mo sa mga babaeng Omega. Hindi ko maipaliwanag pero amoy mo pa lang, nasasarapan na ‘ko…” maniac na maniac ang kanyang hitsura. “Sinong may sabi sa ‘yo na papatulan kita?” pilit ko siyang itinulak. “Huwag ka nang magpumiglas!” hinila ako nang l

