Chapter 9: Shayne and Miguel's POV

2154 Words
MIGUEL “Ilang buwan na lang ‘yong palugit ng daddy mo sa pagre-relax mo at magsisimula ka na sa company niya. Pero puro ka tulog dito.” Si Gil kasunod nang pagkuha ng throw pillow sa single sofa na ibinato sa ‘kin. Umangil ako sa ginawa niya. “Nagtataka na rin sila sa ‘yo, hindi ka na sumasama.” Binalingan ko siya habang yakap ang throw pillow. “Nababaliw na yata ako,” amin ko sa kanya. Natawa siya, “Dahil na naman sa Omega na ‘yon?” “Simula nang mangyari ‘yon sa ‘min mas lalo akong nahirapang magpokus sa pakikipaglaro sa mga game sa Omega. Hilong-hilo ako sa mga Pheromones nila, no’ng huli ilang beses akong nagsuka. Trauma na ‘ko sa mga Underground party na ‘yan.” “Para ka naman namarkahan niyan,” nagbukas siya ng beer na nasa lata. “Iyon nga, pero nagsimula lang ‘to nang makilala ko si Shayne. Maganda naman talaga ang hitsura niya, mahubog ang katawan niya, totoo na pinag-iinitan ko talaga siya lalo at napakabango niya. Pero iyong maging sensitibo ako masyado sa iba, at parang iyong amoy ng ibang Omega hindi na mabango sa pang-amoy ko, nakahihilo na sila, nakasusuka—” bumangon ako sa pagkakahiga sa couch. “Iyon lang talaga?” aniya matapos lagukin ang laman ng lata ng beer. “Ngayon ba?” Kinuha ko rin ang isa sa mga lata ng beer sa center table. “Kinababaliwan ko na siya, Gil. Nababaliw na ‘ko sa kanya. Isang buwan ko na siyang ‘di pinapasok sa café pero araw-araw akong pumupunta dahil hindi ko talaga matiis na hindi siya makita. Halos mapraning ako no’ng dalawang lingo na wala siya, iniisip ko kung hinahawakan siya ng pesteng Beta na ‘yon—tangina, Gil! Magkakasakit ata ako sa sobrang pag-iisip!” Pagkabukas ko sa lata ay tinungga ko kaagad ‘yon at ikinulong sa dalawang palad ko, para bang mapapawi ng lamig no’n ang init na nasa katawan ko. “Masisiraan ako ng ulo kaiiisip sa kanya. Pakiramdam ko nga mag rut ako anumang oras kapag napalapit uli siya sa ‘kin!” Muli akong lumagok sa lata, “Hindi na ‘to basta init lang, gustong-gusto ko na siyang maging sa ‘kin. Isipin ko pa lang na hinahawakan siya ng Beta na ‘yon parang gusto ko ng pumatay. Hindi ko naisip na magkakaro’n ako ng ganito kabayolenteng reaksiyon!” Pinagkatitigan lang ako ni Gil. “Malala na ‘yan, Migs.” Tumango ako bilang pagsangayon, “Malala na. Hindi ko na magawang tumingin sa iba. Kung mauulit ‘yong naganap sa ‘min baka hindi ko makontrol ang sarili ko at mamarkahan ko siya—” “Hey. Usapan natin na magpipinsan na hindi tayo magmamarka sa sinuman na hindi natin aasawahin.” Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon niya sa pagkainis. “Alam ko. Sinasabi ko lang na gano’n ‘yong kawalang kontrol na nararamdaman ko. Gusto ko siyang i-secure sa ‘kin. Dahil dito, hindi ko siya maharap. Nauubusan ako ng pasensiya kapag hindi niya ‘ko pinapansin. Iniiwasan ko na siyang matakot sa ‘kin, gusto kong kunin ang tiwala niya—” Bumalik sa alaala ko si Rion. May nabanggit siya tungkol sa nangyayari sa ‘kin. “May kakayahan bang magmarka ang Omega?” Natawa si Gil, “Mukhang baliw ka na nga.” “Siguro nga,” siguro, parang gusto ko ng maniwala sa Rion na ‘yon. “Tiisin mo na ‘di siya pinupuntahan. Magbakasyon ka muna sa ibang bansa. Kapag nasa kompanya ka na, wala na ‘yang magaan mong buhay. Binigyan ka ng isang taon ng daddy mo para magsawa sa mga gusto mong gawin. Pero inuubos mo lang sa pagiging stalker mo, kahit ako siguro ‘yong Omega na ‘yon, talagang matatakot ako sa ‘yo.”  Sinundan niya ‘yon ng malakas na pagtawa. “Iyon na nga ‘yong gagawin ko.” “Tama ‘yon…” “Pero kung papayagan niya ko na pumasok sa buhay niya, tingin ko, susuway talaga ‘ko.” Nabitiwan niya ‘yong hawak niyang bagong canned beer. “Ano?!” “Seryoso.” Nginitian ko siya, “Sabi ko nga sa ‘yo, nababaliw na ‘ko. Isa pa, tingin ko hindi niya talaga ko gusto dahil wala siyang message o kahit sagutin ang tawag ko. Wala naman akong balak na habulin siya pero kusang ‘di ako mapakali at wala na ‘kong pakialam kung magmukha akong asong nakaabang sa kanya palagi.” Natatawang sabi ko. Pero hindi naman nakitawa si Gil sa ‘kin at gulat pa rin ang hitsura. “It must be love?” biro ko sa kanya. “Lol.” Tila wala sa sarili na sagot niya na nagpalakas ng tawa ko. “Pero aalis muna ‘ko,” tumayo ako, “Magpapaalam lang ako sa kanya.” Ibinaba ko ang canned beer sa center table. “Isara mo na lang kapag aalis ka na.” Pahabol ko sa kanya. Gustong-gusto ko naman talagang tiisin si Shayne, hindi ko ugaling maghabol at gawing mukhang tanga ang sarili ko, pero ginagawa ko nang paulit-ulit. Iba ‘tong tama na ‘to, nakasisira ng ulo. Kung ibang Omega siya, dadaanin ko siya sa Pheromones nang paulit-ulit pero hindi ko magawa, ayoko siyang mas lalong umilap sa ‘kin at isipin niya na hindi ako katiwa-tiwala. Sa ‘di ko nga pagpapakita sa kanya, umaasa ako na magkakaroon siya ng paghahanap sa ‘kin pero sa pagtingin ko naman sa kanya mula sa labas mas nakangiti at panatag siya sa panahon na wala ako. Peste.   SHAYNE   Pagkalabas ko pa lang ng Cookie and Coffee Café nakita ko na ang nakangising Alpha na si Miguel. “Hi.” Nilagpasan ko siya. Bakit narito na naman ‘tong maniac na ‘to? “Maaga ka yata ngayon, mag kakape sana ako—” “Mukha bang dala ko ang espresso machine?” nilingon ko siya na halos magpaarko ng kilay ko. “Woah. Ang sungit mo talaga.” Lumayo siya kaya inamoy ko ng pasimple ‘yong sarili ko. Hindi naman ako mabaho. “Mas komportable ba kung ganito ‘ko kalayo?” Hindi ko na siya pinansin dahil hinanap ko na sa wallet ko ang listahan ng gamot ni mama. Ipapahinga ko na muna ang sarili ko dahil malapit na ang heat ko. Mamimili na rin ako ng mga kailangan namin sa loob ng dalawang linggo. “Ang saya kahit kasabay lang kitang naglalakad.” Hindi ko pa rin siya inimik. Bahala siyang magsalita nang magsalita hanggang mapagod siya. Pero magsisinungaling ako kung sasabihin ko na walang epekto ang lalaking ‘to sa ‘kin. “Hindi ako nakasubok ng Male Omega, pero pagkakita ko pa lang sa ‘yo, wala na ‘kong pakialam ro’n. Atraksiyon lang ‘to no’ng umpisa, pero ngayon talaga parang nakikita na kitang kasama ko sa future—” Sinamaan ko siya nang tingin. “Corny mo ro’n.” Natawa naman siya. “Ang tapang mong magsalita. Hindi mo naman ako mauuto. Alpha sa Alpha ang pamilya mo. Ang paglapit mo sa ‘kin ay para pagparausan mo o anakan?” Nakita kong nagulat siya. Sinamantala ko ‘yon para mauna nang maglakad. Pero hindi pa rin siya humihiwalay sa ‘kin dahil nasa likuran ko pa rin siya nakasunod pero walang masabi tungkol sa sinabi ko. Tahimik lang siyang sumunod sa ‘kin sa pharmacy hanggang sa grocery store. Siya mismo ang kumuha ng cart kaya hinayaan ko na lang siya. “Marami kang binibili—” “Oo. Pangdalawang linggo ‘yan. Walang bibili sa ‘min sa loob ng dalawang linggo kaya sinisiguro ko na kasya ‘yan.” “Bakit naman?” Bakit ko ba nasabi ‘yon? Hindi ko na lang pinansin siya at naglagay na lang nang naglagay. Iyong kasya sa budget. Nasa mataas na bahagi ang biscuit na paborito ni mama. Nilingon ko si Migs at kinalabit dahil kung saan-saan siya tumitingin. “Paabot ako no’n—” Hindi na ‘ko nagdalawang salita at inabot niya. Iyan na naman ang amoy niyang nagpapaaalala sa ‘kin ng gabing ‘yon. “Ihahatid na kita,” alok niya nang nasa labas na kami. Bitbit niya ‘yong dalawang punong-puno na Eco bag. Hindi ko akalain na bumabalik pa rin siya sa Café, halos magdadalawang-buwan ko na rin siyang kakilala. Dumaan na rin ang isang heat ko, pero nariyan pa rin siya, heto nga at mag heat na uli ako. “Hindi na.” “Hanggang sakayan.” Hindi na ‘ko nakipagtalo sa kanya. “Mas maganda iyong nag grocery tayo tapos may mga anak tayong nakapaligid sa ‘tin—” “Tigilan mo.” Natawa siya. “Gustong-gusto kita. Hindi ko alam pero parang nababaliw talaga ‘ko sa ‘yo. Simula nang makilala kita, wala na ‘kong s*x life—” Namula ‘ko sa sinabi niya. “Kahit anong sabihin mo, hindi kita magugustuhan. Hindi ko gusto ang Alpha. Lalo pa sa ‘yo na may linya ng Alpha sa Alpha, nakikita mo ba?” nilingon ko siya, “Hindi ako ‘tulad ng ibang Omega na pangarap magkaro’n ng Alpha na makakasama. Kung magiging pangkaraniwang Omega ako, mas pipiliin ko ang Beta kesa sa Alpha. ‘Tulad ng ama ko, aabandonahin din ako ng ‘tulad mo. Katulad niya, hindi blessing ang magiging dating kung Omega na isisilang ang anak ng Alpha sa ‘min. Pagod na ‘ko sa buhay ko para makisama pa sa Alpha na magkakaro’n ako ng problema kung sakali.” Kinuha ko na sa kanya ang pinamili namin. “Shayne, hindi na normal ang buhay ko at hindi na magiging normal kaya tingin mo ba susuko ako? Kumukuha lang ako ng tamang tiyempo, pero nauubusan na ‘ko ng pasensiya sa kahihintay. Paniniwala mo lang ‘yan sa Alpha, kagaya ng paniniwala ng angkan namin sa Alpha sa Alpha. Pero wala akong paniniwalang gano’n. No’ng makita kita, aaminin ko na atraksiyon ang naghatak sa ‘kin sa ‘yo. Pero iba ‘to sa lahat ng Omega na dumaan sa ‘kin. Pinipilit kong paglabanan, pinipilit kong iangat ‘yong katinuan ko kahit puwedeng-puwede kitang dahasin dahil nahihibang ako sa Pheromones mo, at kaya ko rin ‘yong gawin sa ‘yo, pero pinigil ko dahil gustong-gusto kita at ayoko na maging katulad ng ibang Omega na nakilala ko ang maging umpisa at katapusan natin!” Hinablot niya ang braso ko papihit para harapin siya. Ikinulong niya ang mukha ko ng mga palad niya. “Gagawin ko lahat para magustuhan mo, kung hindi mo pa rin ako magustuhan, tatanggapin ko. Basta bigyan mo ‘ko ng tiyansa na ipakita sa ‘yo, at iparamdam sa ‘yo. Sinubukan ko rin naman na iwasan ka na at layuan, pero hindi ko magawa. Paano ‘ko matatahimik kung wala pa ‘kong ginagawa para makuha ka?” Nagsimula na naman ako na panghinaan ng tuhod dahil sa lapit niya. Mabilis at masakit ang naging reaksiyon ng puso ko. Maging ang paghinga ko parang naging manipis dahil sa kanyang presensiya. “Please, give me chance—” Napahawak ako sa damit niya dahil sa panghihina. “I’m sorry,” nag-angat ako ng tingin sa kanya, “M-may iba na ‘kong nagugustuhan.” Nakita ko ang pagkabigla sa kanya. “I’m sorry…” ulit ko habang pilit itinatayo ang aking sarili. “Dinaraan mo lang ako sa Pheromones kaya nanghihina ako. Kaya may nangyari sa ‘tin na gano’n dahil lang ‘yon sa init ng katawan bilang Omega na malapit sa Alpha. Pero kung damdamin, w-wala ako no’n para sa ‘yo… hindi ako magkakaroon kahit kaunti para sa ‘yo…” Guilty ba ‘ko kaya nasaktan din ako sa naging reaksiyon ng mga mata niya? “Aalis ako. Susubukan kong kalimutan ka. Pero kung hindi, babalikan kita. Hindi na ‘ko tatalikod uli ‘tulad ngayon.” Napaawang ang labi ko dahil sa kanya. Mukha siyang nasaktan. Pero gano’n pa rin ang mga salitang sinabi niya. “Magiging sa ‘kin ka dahil gusto mo hindi dahil pinilit kita.” Nilagpasan na niya ‘ko pagkabitaw niya ng mga salita na ‘yon. Hindi ko alam bakit kumabog nang husto ‘yong puso ko. Parang nabingi ako sa ingay ng sasakyan dahil sa lakas ng niyon. Magiging sa ‘kin ka dahil gusto mo hindi dahil pinilit kita. Nagkakaro’n ng reaksiyon ang katawan ko dahil lang sa mga salitang ‘yon?                                                              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD