“Ma—” “Sagutin mo ako.” Huminga nang malalim si Shayne at naupo sa harapan ng ina. “Ma, s-safe naman ang nangyayari.” Halos ibulong niya ‘yon sa sobrang kahihiyan. “Huwag kang mag-alala, hindi na ako nabigla.” Tiningnan ni Shayne ang ina. “Napansin ko na ang pagbabago mo.” “H-hindi naman niya ako pinilit, ma. Nakakapag-isip pa ako no’n, w-wala naman siyang kasalanan—” “Hmmm...” nangingiti ang ina. “Hindi ako gagawa ng mali—” “Kaya hindi ka umuuwi sa ‘tin?” Nabigla si Shayne. Kumabog nang husto ang kanyang dibdib. “Ma—” “Paano ko nalaman? Sa opisyal ng barangay natin, hindi ka raw umuuwi—” Nakagat ni Shayne ang ibabang labi. Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya at kung makalulusot pa ba. Hindi na lang niya ikinaila at marahang tumango. Pulang-pula na siya. “P-pero n

