“Babe, mauuna na ako…” Pumulupot ang braso ni Miggy sa likuran ni Shayne na nagliligpit ng kinainan. Napokus naman ang atensiyon ni Tricia sa ginawa ng Alpha na ‘yon sa Omega. Hinalikan ni Miggy sa pisngi si Shayne. “Mag-ingat ka, ‘wag mona akong sunduin mamaya.” “Hmm, susunduin kita, I just wanna make sure na safe ka, babe. Ngayon pa nga lang sumasama na ang loob ko na hindi kita maihahatid.” Pasimpleng nangiti si Shayne na nakapukaw sa atensiyon ni Tricia. Hindi ito kasing showy ng ibang Omega. Kahit naman siguro sino matutuwa sa pagiging malambing ng isang Alpha. Nalaman niya rin no’ng gabi na isa ‘tong Dominant Alpha base na rin sa tindig nito. Napaigtad si Tricia nang mapansin niyang nakatitig sa kanya si Shayne. Bakit nakakaramdam siya ng babala sa tingin nito? Pa

