“Maayos na siya?” tanong ni Miggy na nakasuot lang ng tapis sa baywang. Sinamaan ko siya nang tingin dahil ibinabalandra niya ang kanyang katawan. “Oh, may bisita at babae bakit lumalabas ka nang ganyan ang suot mo?” hindi ko maiwasan ang iritasyon. Nabigla naman siya at napayakap sa sarili. “Ano—” “Oo, sanay ka naman ipagpakitaan ang katawan mo kung kani-kanino.” Lalo lang akong nairita. Nangiti naman si Miggy, “Pero sa ‘yo na ito, wala nang makahahawak na iba, babe—tinawag mo rin akong babe ‘di ba?” ngising-ngisi ang loko. Nauna na akong maglakad at katulad naman nang inaasahan ko ay sumama siya sa ‘kin hanggang sa kuwarto. “isang babe naman uli diyan—” Inaasahan ko nang magkukulit ang lokong ‘to. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at tinawag ko siyang ‘bab

