MIGGY “Nasaan na ba si Shayne?” lumalakas na ang ulan pero hindi pa rin siya sumasagot sa tawag ko. Late na rin akong sumundo ng fifteen minutes dahil napakahaba naman ng meeting na ‘yon. Naiintindihan ko naman dahil sikreto ang kaganapan na ‘yon ng mga nakaaangat sa buhay. Nangiti ako nang makita kong papalabas si Ae nang Café at mukhang pauwi na rin. Iniandar ko ang sasakyan palapit sa kanya. “Hi.” nginitian ko siya. “Oy, nauna na si Shayne!” ngiting-ngiti niyang sabi. “Kanina pa ba?” nag-aalalang tanong ko. Malakas na rin kasi ang ulan. Tumango naman si Ae, “Oo. Nakauwi na ‘yon siguro, tinawagan mo ba?” “Hindi nga sumasagot.” “Mabuti pa, umuwi ka muna baka naroon ‘yon, hindi kasi talaga ‘yon palahawak ng cellphone! Saka ‘di niya ata alam na susunduin mo siya dahil may trabaho ka

