“Babe, you okay?” Masamang tingin ang ibinigay ni Shayne rito. Nangiti nang alanganin si Miggy. Masakit ang buong katawan ni Shayne at pakiramdam niya talaga nakailan sila bago natigil at umaga na ‘yon panigurado kaya ito pa ang gumising sa kanya. Dati nga ay isang oras pa siyang mas maaga pero ngayon ay five minutes na lang. “Sige na,” lumabas na siya nang sasakyan. Nakasunod naman ‘to at hinila siya kaya napalingon siya sa paligid. “Malayo naman ‘to sa café,” ang palad nito ay nasa kanyang balakang na kasunod nang paghatak nito sa kanya. “Ano ba?” “Huwag ka nang mag over time susunduin kita para makapagpahinga ka kaagad. Promise, ‘di na ako uulit.” Sinimangutan niya ‘to, “Promise na walang katotohanan?” Natawa ito, “Bakit ba parang ang sama nang tingin mo sa ‘kin?” “Sige na,”

