“Anong tinatawa mo?” iritang tanong ni Shayne kay Miguel. “Tumatawa ba ‘ko?” nakangiting tanong ni Miggy sa katabing si Shayne sa sasakyan. Lalong napasimangot si Shayne. Kapag naalala niya kung paano sila pinagpalakpakan kanina, hindi niya alam kung paano pa lalakad nang diretso sa harapan ng mga tao. “Order na lang tayo nang dinner?” tanong ni Miggy. “Gutom na gutom ka na ba?” “Hindi naman dahil nag mirienda naman ako kanina.” “Magluluto na lang ako, magsasayang ka na naman ng pera.” Nangiti si Miggy, “Mas gusto ko naman ‘yang suggestion mo.” Sumandal si Shayne sa upuan. “Kumusta naman ang araw mo?” Natigilan si Shayne. Hindi naging paksa nang usapan nila madalas ng ina ang trabaho pero si Miggy kasi ay araw-araw ‘yong tanong. “Okay naman, hindi naman sobrang dami ngayong

