Kabanata 33 “Kailangan na nating umalis dito,” ani Peter kay Dante. “Kailangan ka namin dalhin sa kaharian ng mga Tempest na siyang tahanan nina Cylinder dahil sila lang ang mga mortal na makatutulong sa ‘yo hangga’t hindi pa natin alam kung bakit ka gustong makuha ng kampo ni Dimitri.” Nakakunot ang noo ni Dante habang mabilis na naglalakad palabas ng kastilyo. Halos humangos siya dahil sa bilis maglakad ng prinsipe na para bang mas sabik pa kaysa sa kaniya. “Hindi ko maintindihan,” ani Dante, “ano pa ang kailangan nila sa ‘kin? Tinanggal na nila ang kakayahan ko kaya ano pa ang silbi ko sa kanila? Bakit hindi na lang nila ako hayaang mag-isa.” Nagkatinginan sina Kinro bago nagsalita si Peter. “Iyan din ang palaisipan pa rin sa ‘min hanggang ngayon. Pero kung kailangan ka nila kahit h

