Kabanata 41 Inihagis ni Dimitri sa malayo ang isang kahoy na lamesang una niyang mahawakan. Matapos iyon ay malakas siyang sumigaw na siyang nagpangatog sa mga tuhod ng nullifiers na nasa kaniyang harapan. Lahat sila ay nakayuko lang, takot na tumingin sa nagngangalit na titan. Miski ang mga hellhound ay hindi rin maiwasang hindi taasan ng balahibo nang marinig ang sigaw nito. Napakalalim nito na para bang hinukay sa ilalim ng lupa at tumatagos ito hanggang sa dulo ng kanilang tainga. “Ang dali-dali ng utos ko,” ani Dimitri gamit ang kaniyang malalim na boses. Mahina ang pagkakasabi niya ngunit matalim. “Ang dali-dali lang ng utos kong dalhin ang lalaking ‘yon dito. Ni hindi na nga siya makagalaw nang iwan ko. Ano ang nangyari?” Kahit hindi siya tingnan ng titan ay ramdam ni Gen ang ta

