Kabanata 40 “Ano sa tingin mo ang nangyari?” tanong ni Cylinder kay Kinro. Nakaupo sila sa damuhan habang nakatanaw sa malayo. Tirik ang araw sa kanilang dereksyon ngunit nasisilungan sila ng isang malaking puno ng Acacia. Umiinom lang sila ng alak habang nagkukuwentuhan tungkol sa nangyari sa kanila magmula nang maghiwalay ang kanilang mga landas. Maraming lugar na napuntahan si Cylinder lalo pa at isa sa mga misyon niya iyon. Samantalang nanatili naman si Kinro sa tabi ng Mahal na Prinsipe Chronos gaya ng inaasahan sa kanilang mga titan. Ngunit hindi naman naging malungkot ang mga buhay na tinahak nila dahil gusto nila ang ginagawa. Nauwi naman ang usapan sa prinsipe na hanggang ngayon ay wala pa ring kinakausap ni isa sa kanila. Ngunit ang magandang balita naman ay lumabas na ito sa

