Kabanata 50 Mabilis ang mga kilos ng grupo ni Minerva, walang inaaksayang oras. Naging alerto sila sa buong paligid sa takot na mapansin sila ng mga imortal na kasama ni Peter. Tiningnan din nila ang iba pang mga bagay na maaaring makasagabal sa gagawin nila. Ang ilan sa kanila ay kilala ang mga ito lalo pa at kauri nila ang halos lahat ng kaibigan ni Prinsipe Chronos. Hindi sila makapaniwalang mayroon itong koneksyon sa halos lahat ng uri ng imortal. Pero kung gustong-gusto siyang kunin ni Dimitri ay baka isa ito sa mga dahilan. Nakadaragdag din ang kaalamang ito sa nararamdaman nilang takot sa mga oras na ‘to. Ngunit kailangan nilang magpatuloy. Kailangan nilang gawin ‘to upang matapos na ang misyong binigay sa kanila ni Dimitri. Ilang tauhan ang pinadala niya para lang mahuli si Prin
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


