Kabanata 49 “Ngayong gabi,” panimula ni Minerva, “susugod tayo sa kampo nila nang hindi nila namamalayan.” Kaharap niya ang pito sa kaniyang mga kasama, gising na gising at handang makipaglaban. Suot na nila ang kanilang mga uniporme na panlaban. May armor sa loob na maaaring sumangga sa kahit anong atake. Ngunit imbis na magsuot ng armor, na gaya ng suot ng mga nullifier ay normal lang ang kanila. Dahil mga imortal din sila ay kailangan nilang lumaban nang walang kahit anong anti-immortal na kasuotan o kagamitan. Tanging mga bagay lang gaya ng espada at patalim ang masasangga nito. Sa oras na tamaan sila ng kahit anong mahika ay tatagos lang iyon sa armor. Pero dahil kailangan nilang lumaban nang walang ibang balakid ay wala silang pagpipilian. Mas malalagay lang sa panganib ang kanila

