Kabanata 48

1392 Words

Kabanata 48 Isang malakas na pagsabog ang naging epekto ng paglusob ni Aurora kay Sphere na siyang kaharap nito. Gamit lamang ang kaniyang dalawang samurai ay para bang lalamunin na niya nang buo ang mortal. Hindi niya pa ginagalaw ang mga patalim sa kaniyang braso at binti, ngunit naging alerto pa rin si Sphere sa mga ito. Ano mang oras ay maaari na lang niya itong dukutin at umatake sa kaniya nang hindi niya inaasahan. Matapos ang pinakita nitong kakayahan kanina ay para bang mas lalo lang nasabik si Aurora na makaharap ang mortal. Gaya ng kapatid nitong si Cylinder ay hayok din ito sa pakikipaglaban lalo pa at ngayon na lang niya iyon ulit nagawa sa mahabang panahon. Alam niya ring may kakaiba kay Sphere. Nakadaragdag iyon sa kagustuhan niyang makaharap ito ngayon at matalo. Gusto ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD