bc

Lagunzad Series 2: Love Me Again

book_age18+
1.7K
FOLLOW
4.6K
READ
playboy
dominant
goodgirl
brave
drama
bxg
heavy
office/work place
betrayal
cheating
like
intro-logo
Blurb

Kapag ba kinasal ka, nasisiguro mo ng maayos ang lahat? kapag ba nasayo na ang lahat, hindi ka na masasaktan pa? Paano kung lahat ng meron ka, mawala ng unti-unti? Makakaya mo bang nasa ibang tao na siya? At kung paano ma-realized mong mahal mo pa siya, makukuha mo ba ulit? Madaya ang pag-ibig, madayang madaya kaya kung madadala ka sa pagsubok ng pagmamahal, talo ka. Makukuha mo pa ba ang nawala? Mamahalin ka pa ba niya tulad ng dati? O, tuluyan ng walang happy ending?

chap-preview
Free preview
Simula
Simula "Congratulation, virus free na tayo!" Sa tuwing naaalala ko ang katagang iyan, nanginginig ang puso ko sa saya. Masayang masaya kami lalo pa't malaking bagay ang nagawa ni Dr. Costiño sa buong bansa. Siya ang tumulong sa Pilipinas para mawala ang nakamamatay na sakit noon. Hindi ko makalimutan ang mga pinagdaanan namin noon. Naging delikado man para sa aming mga frontliners noon, nakaligtas parin dahil sa awa ng Diyos. Pero sa lahat ng masamang mangyayari sa akin, bakit ang pinagbubuntis ko pa ang mawawala? Bakit ang magiging anak namin Alrus ang mawawala? At bakit niya ako sinasaktan ng ganito? Hindi ko naman ginustong mawala ang anak namin huh! Hindi ko gustong mawala si baby pero sadyang hindi siya para sa amin e! Hindi siya para sa akin kaya nagkasira kami ni Alrus. Nasira ang pagmamahalan namin. Winasak niya ako kasabay ng pagkawala ng anak namin. Binugbog niya ang puso ko, wala siyang ginawa kung di ipamukha sa akin na wala akong kwentang asawa. Naligtas nga namin ang mundo noon, pero nawala naman sa akin ang pinakamamahal kong lalaki. Nawala ang kasal namin. Nawala ang pagsasama namin. Nawala siya dahil hindi niya tanggap na nahulog ang batang nasa sinapupunan ko. Pakiramdam ko, kasalanan ko ang lahat. Pakiramdam ko, ako ang sinisisi niya sa lahat ng nangyari sa amin. Na malas ako, na wala akong kwentang asawa! B-bakit ganito siya? B-bakit niya ako sinasaktan? B-bakit ganito ang nangyayari sa aming dalawa? Yumuko ako para pahirin ang luhang tumulo sa mata ko. Kitang-kita ko mula sa kinatatayuan ko ang lalaking nakikipaghalikan sa babae niya. Kitang-kita ko kung paano halikan ng marahan ni Alrus ang babaeng isang buwan na niyang binabahay. Kung paano niya ito hawakan, at kung paano siya ngumiti sa babaeng iyon. Mula sa kinatatayuan ko, kitang-kita ko ang pinakamamahal ko na unti-unti ng naglalaho sa akin. Ang lalaking malapit ko ng bitawan. Tumalikod ako para umalis nalang at hayaan sila. Ayokong makipag-away dahil masasaktan lang ako kapag ipagtanggol niya ang babae. Masasaktan lang ako kapag mas unahin niya ang babae kaysa sa akin na asawa niya. Ayokong umiyak sa harapan nila habang nagmamakaawa sa lalaking tinalikuran ako. Ayoko ng umiyak at masaktan ng paulit-ulit. Ayoko ng dalhin ang sakit na naidudulot niya sa akin. Napapagod na ako. Mabilis akong naglakad paalis sa restaurant na iyon. Hindi ko na sila kayang panoorin habang ako, ilang araw at gabi na niyang hindi inuuwian. Pinahid ko ang luhang tumutulo habang naglalakad ako ng mabilis. Umiiling-iling ako sa gitna ng daan, tumawid sa kalsadang muntik ng mabunggo. Kinagat ko ang labi para hindi mapahagulgol sa maraming taong nakatingin sa akin. Halos matumba ako ng mapaupo sa gilid ng kalsada, yumuko at hindi kinayang ikimkim ang sakit na nagdudulot sa puso ko. Isang buwan na niya akong ginagago. Isang buwan na niya akong pinanlalamigan. Isang buwan na rin akong nasasaktan sa ginagawa niya. Ilang taon na ang nakalilipas simula ng mawala din ang una naming anak. Kinasal kami ng patago, civil weeding. Tanging pamilya lang namin ang may alam sa pagpapakasal namin. Walang ibang imbitado, siya at ang pamilya niya lang. Ngayon naman, isang linggo pagkatapos mawala ulit ang pangalawa naming anak, naging malamig na siya sa pagsasama namin. Hindi na siya yung lalaking malambing sa akin. Tuluyan ng nawala ang lalaking minahal ko ng lubusan. Hindi ko naman ginustong mawala ang dalawa naming anak e! Hindi ko ginustong malalaglagan kasi alam kong gustong gusto na niyang magkaanak kami. Gusto niyang makita ang maliit niyang bersyon pero hindi ko iyon nabigay. Hindi ko iyon maibigay sa kanya dahil sa tuwing nagbubuntis ako ay madaling mahulog ang baby sa akin. Hindi ko na alam kung ano ang dapat gawin sa relasyon naming nagye-yelo na. Nawawalan na ako ng lakas sa aming dalawa. Pilit ko mang iahon ang pagsasama namin, hindi ko na kaya kasi pagod na ako. Pagod na akong hayaan ang ginagawa niya sa akin. Pagod na kong magmahal. Pagod na akong umiyak. Pagod na akong humiling na sana bumalik na siya. Bumalik na ang lalaking pinakamamahal ko. Nanghihina akong tumayo at naglakad pauwi sa condo namin. Hindi kami bumili ng bahay dahil ayaw niya. Mas gusto niyang sa condo lang kami tumira. Hindi ko naman na siya hinihingian kasi baka magalit lang siya sa akin. Matamlay akong pumasok sa condo at ngumiti ng malungkot. Nandito na naman ako, nandito sa loob ng kalungkutan. Pinagmasdan ko ang weeding picture namin, hindi man ako nakasuot ng gown pero sobra-sobra ang sayang nararamdaman ko ng panahon na iyan. Lumapit ako sa larawan namin at hinaplos ito ng marahan. Kung maibabalik ko lang ang panahon na baka pwede kong mabuhay ang anak namin, gagawin ko. Ayoko ng mabuhay sa ganitong paraan. Palagi nalang! Paulit-ulit nalang! Ganitong tagpo parin ang nangyayari sa amin! Hindi na nagbabago. Sasaktan niya lang ako ng paulit-ulit. Pumatak na naman ang panibagong luhang galit sa pagdurugo ng puso ko. I smile sadly. Umiling nalang ako at pumasok sa kwarto para magpalit ng uniform. May duty pa ako sa hospital kaya hindi ako pwedeng ma-late. Ilang taon na ang nakalilipas, ang dami ng nagbago sa mundo. Naging malaya kami sa sakit. Bumalik sa dati ang lahat. Hindi na nangangamba ang mga tao dahil alam nilang ligtas na sila. Ang daming nagbago, maging sa sarili ko ay nagbago na din. Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin, ang puti ng uniform ko ay nagmistulang malinis sa sarili ko. Hindi ko kailanman nakitaan ng dumi ang uniform kaya bagay na bagay sa akin. Naglagay ako ng pulang lipstick, ngumiti ng malungkot sa salamin bago tumulak paalis ng condo namin. Pinatunog ko ang sasakyan bago umalis sa building, hindi na kumain ng tanghalian kasi kailangan ko ng makarating sa hospital. Simula ng mawala ang virus, hindi ko na iniwan ang hospital na pinagtrabahuan ko. Hinayaan ako ni Dr. Severo na manatili lalo pa't maayos daw ang performance ko. Si Dr. Costiño naman, bumalik siya sa probinsya kasama ang asawa niya. Doon na sila nanirahan at iniwan na ang tungkulin sa mga tao. Ako naman? Stay strong ako sa PGH. Hindi ko siya makayang iwan lalo pa't ang dami kong experience sa hospital na iyon. Bumuntonghininga ako kasabay ng pagmamaneho sa sasakyan. Ilang oras lang ang biyahe kaya ng makarating sa hospital, pinark ko ang sasakyan sa permanent parkingan ko. Huminga ako ng malalim bago binitbit ang bag at naglakad na parang hindi sawi. Napapatango nalang ako sa mga nurse sa tuwing bumabati sila sa akin. Ngumiti ako kahit malungkot ang nararamdaman, maipakita lang sa kanila na maayos ako kahit hindi. "Good afternoon, doc." Ngumiti ako sa assistant nurse ko. Mula sa pagiging nurse, ngayon ay respetado na akong doctor. Four years ago, after the deadliest attack of virus I took my opportunity to take my master's degree. Dr. Severo trained me to become the best doctor now. Napabilang na ako sa kanila, isa na rin ako sa ginawaran ng hospital bilang outstanding doctor. Sa loob ng ilang taon ko sa serbisyo, minahal ko na talaga ang propesyong ito. Naging mahirap man sa akin lalo pa't sumabay noon ang pagkahulog ng baby namin pero tiniis ko. Kinaya ko kasi nandito na ako, kaunti nalang at matatapos na ako. Napahinga nalang ako at pumasok sa clinic room ko. Nilagay ni Lalaine ang bag ko sa lagayan pagkatapos ay tumayo siya sa harap ko. I smile at her. "You can relax, Lalaine. Wala pa naman akong pasyente ngayon." mahinahon kong sabi. She smile at me hesitantly. "Thank you po, doc Anne." she said politely. I nodded and sighed. Binuksan ko ang computer para mag-log in sa hospital patient namin. I encode my name to the bar. Anne Samantha L. Caponis. I put the password too, and then it work. Tinignan ko ang monitor, wala akong pasyente ngayon hanggang alas-dos kaya free ako. Tumango ako at binasa pa ang mga naka-schedule sa akin. Kumunot ang noo ko habang binabasa ang pangalan ng isang babae. Siya ang una kong pasyente mamayang alas-dos. Almitha Lanuevo ang pangalan niya at magpapa-check up siya sa pagbubuntis. Huminga ako ng malalim dahil bigla kong naramdaman ang kaba sa puso ko. Kinagat ko ang labi para pakalmahin ang kinakabahan kong puso. Tumayo ako at naglakad pabalik-balik sa loob ng clinic ko. Hindi ko alam kung bakit nanginginig ang kamay ko, at kinakabahan ako. Simula ng mabasa ko ang pangalan ng babaeng una kong pasyente ay naging ganito na ako. Bakit kaya? Huminga ako ng malalim at lumabas nalang para kumuha ng pagkain sa pantry namin. Nanginginig parin ang kamay ko kahit pa'y may hawak akong pagkain. Isang buntong-hininga ang ginawa ko at umalis nalang din sa pantry. Bumalik ako sa clinic room ko at umupo sa swivel chair. Kinuha ko ang cellphone at tinawagan ang numero ni mama. Gusto ko siyang makausap ngayon. Ilang beses nag-ring bago niya sagutin. Huminga ako ng malalim at nagsalita. "H-hello, ma?" I heard her sighed. "Hmm, anak?" Napakagat-labi ako dahil tumutulo na ang luha sa mata ko. Hindi ko na kaya ang set up naming dalawa. Nahihirapan na akong hayaan siya sa mga ginagawa niya. Napapagod na ako. "M-ma, kumusta ka na?" Pinipigilan kong hindi niya marinig ang pag-iyak ko. Ang bigat-bigat ng nararamdaman ko. Punong-puno na din ako sa pag-iisip sa kanya. Mababaliw na nga yata ako dahil sa ginagawa niya. Gusto kong sabihin kay mama na hindi ko na kaya. Na pagod na ako, na gusto ko nalang magpahinga at kalimutan na nag-asawa ako. Gusto ko ng makahinga ng maluwag, yung hindi na siya ang iniisip ko. Yung wala ng humaharang sa puso ko. Gusto kong umiiyak sa harap ni mama. "Maayos naman ako anak. Ikaw dyan? Kumusta ang asawa mo? Dumalaw naman kayo sa akin kapag may oras kayo." Batid ko ang pagtatampo sa boses niya. Alam kong malungkot din siya dahil isang taon palang ang nakalipas sa pagkamatay ni papa. Alam kong nami-miss niya na si papa, na kahit kinakain siya ng lungkot ay okay parin, lumalaban parin. "H-hehe s-subukan namin, m-mama." Hindi niya alam ang tungkol sa ginagawa ni Alrus. Hindi ko rin naman sinasabi kasi ayoko ng dagdagan ang bigat ng nararamdaman niya. Mahal ko si mama, siya nalang ang natitira kong kakampi dito. Alam kong ano man ang mangyari, nasa side ko parin siya. "Ayusin niyo lang. Kumusta mo nalang ako kay Alrus, anak." Tumango ako kahit tumutulo ang luha sa mata. Hindi ko hinayaang may marinig si mama sa pagdadalamhati ko ngayon. Mas okay ng ako nalang ang makaramdam nito, wag na siya. "S-sige po." Kinagat-kagat ko ang labi para matigil na ako sa pag-iyak. Natapos ang pag-uusap namin ni mama kaya inayos ko ang sarili dahil parating na ang una kong pasyente. Ilang sandali bago bumukas ang pinto, yumuko ako para pulutin ang tali sa buhok ko. Hindi ko nakita na pumasok ang pasyente ko kaya ng inangat ko ang ulo, halos matumba ako sa kinauupuan. Gulat na gulat ako, napanganga dahil sa kaharap kong babae. H-hindi ito maaaring mangyari! B-bakit siya nandito? S-siya ba ang una kong pasyente na magpapa-check up sa pagbubuntis? S-siya ba? Oh God! S-siya yung…babae ni Alrus, ang binabahay niya isang buwan na. Umiling ako at singhap na singhap parin. Nanikip ang dibdib ko, napagtantong ito na ang huling alas ko sa aming dalawa. "Good afternoon, doc." she greeted. Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Pinipigilan kong hindi manubig ang mata kahit hindi ko kaya. B-buntis siya! B-buntis siya sa asawa ko! "A-afternoon." nanghihina kong sabi. She smile sweetly. Maganda, makinis at maputi. Tipong-tipo ng asawa ko. "Doc, nandito po ako para magpa-check up sana. Tatlong linggo na kasi akong hindi dinadatnat e, hindi ko alam kung delay ba ako o baka buntis na po?" she said. Tinitigan ko siya, gustong gusto kong magwala sa harap niya. Sa ginawa niya! Sa inagaw niya! Sa lahat ng sakit na ginawa ng asawa ko sa akin! At ngayon sa p-pagbubuntis niya! "G-gumamit ka na ba ng p-pregnancy test?" utal at nanghihina kong sabi. She shook her head. She look innocent but f**k, she is my husband mistress! "Hindi pa po, doc." mahina niyang sabi. Tumango ako at natahimik. Para akong nawala sa sarili habang kaharap siya at sinasabi niya ito sa akin. Kumuha ako ng pregnancy test, binigyan ko siya ng lalagyan ng ihe para ilagay ko sa PT. "P-pumasok ka sa banyo, lagyan mo yan ng ihe mo para ma-examine ko ngayon." hinang-hina kong sabi. She nodded and took the bottle. Nang makapasok siya sa banyo, natulala ako. Umiikot ang utak ko sa asawang masaya na ngayon dahil buntis na ang babae niya. Lumabas siya at mabilis na binigay sa akin ang nilagyan ng ihe. Tumayo ako kahit pa nanghihina, lumapit sa sink-in at doon pinatak ang ihe niya sa PT. Dumadagundong sa kaba ang puso ko, nagdudugo dahil sa maaaring malaman ngayon. Ilang sandali pa, napatulala ako sa PT. Positive ang resulta, b-buntis siya. Tahimik akong bumalik sa upuan habang nanginginig ang katawan. Sumisikip ang dibdib sa nalaman ngayong. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin, para akong nabangag. "S-sino ang t-tatay?" nanghihina kong tanong. Nanlaki ang mata niya, nagulat sa sinabi ko. "B-buntis po ako, doc?" di makapaniwala niyang sabi. I nod weakly. "Oh God! Matagal na niya itong hinihiling sa akin. This is a great news!" she said excitedly. Napaiwas ako ng tingin sa kanya. This is my end. "S-sino ang t-tatay?" tanong ko ulit. She stop giggling and smile at me. "Confidential e. Bawal sabihin pero ngayon dahil buntis na ako, hihiwalayan na niya ang asawa dahil magkaka-anak na kami. He will marry me!" she said happily. Napatulala ako sa kanya. Ngumiti ng malungkot kahit patulo na ang luha ko. "C-congratulation sa inyong d-dalawa," naluluha kong sabi. Nagtaka siya kung bakit ako umiiyak habang nakangiti. Umiling-iling ako habang rumaragasa ang luha sa mata. "S-salamat, doc." she said hesitantly. Tumayo siya at lumabas ng clinic ko, bumuhos ang napakaraming tubig mula sa mata ko. Galit na galit kong pinagsisira ang mga gamit sa lamesa. Nagwala ako dahil sa sama ng loob. Pinagkaisahan nila ako! Iiwan na niya ako! Iiwan na niya ako dahil buntis na ang babae niya! B-buntis na ang babaeng magbibigay sa kanya ng anak! Nagwala pa ako, umiiyak sa sakit na nararamdaman. Nanghihina akong umupo sa sahig, kalat na kalat na ang clinic ko dahil sa pagwawala. Umiling-iling ako sabay sa pagtulo ng maraming luha na naman. Napahiga ako sa sahig habang umiiyak. Mabilis na dumalo sa akin ang assistant nurse ko. Nag-aalala akong pinaupo ni Lalaine habang awang-awa sa akin. She hug me tight. "P-patayin niyo nalang ako! Ang sakit-sakit na ng nararamdaman ko! P-parang awa niyo na, p-patayin niyo nalang a-ako." umiiyak kong sabi. Iyon ang huli kong sinabi bago ako nawalan ng malay. Nagising ako sa haplos na nanggagaling sa pisnge ko. Minulat ko ang mata, bumungad sa akin ang mukha ni mama. Malungkot ang mata niya habang nakatitig sa akin, mabilis na namuo muli ang luha ko, umiiling-iling sa kanya. Ngumiti siya ng malungkot at niyakap ako. Humagulgol ako sa yakap niya, doon ko binuhos lahat ng sakit na nararamdaman. Punong-puno na ako, punong-puno na ang puso ko. "Shhhh, umiyak ka lang anak. Nandito lang si mama," marahan niyang sabi. I cried in her arms. I cried the pain I feel inside. Nakahiga parin ako sa hospital bed at yakap-yakap si mama. Napansin ko ang mga pamilyar na tao na nakaupo at malungkot na nakatingin sa akin. Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata ng mama ni Alrus. Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang asawa ko. Nakuha niya ang atensyon naming lahat, may hawak-hawak siyang papel habang malamig na nakatingin sa akin. Bumuntonghininga ako at pinahid ang luha sa mata. Lumapit siya sa akin at binigay ang papel na hawak. "Pirmahan mo yan. Annulment paper yan, gusto ko ng makipaghiwalay sayo." he said coldly. Mabilis na tumayo ang mama niya at sinampal siya. Napahinga ako ng malalim, napagtantong ito na ang panahon para magpalaya. "Nababaliw ka na ba, Alrus!? Hindi ka makikipag-hiwalay sa asawa mo!" Marthalia said angrily. Alrus stood straight, looking cold. Inawat naman ni Karl Marx ang asawa niyang galit na galit sa anak. Napatulala ako sa kanilang nag-aaway. "Hindi, ma! I want an annulment! I want to marry the woman who will give me a child! The woman who will give me a family!" malamig na sagot ni Alrus. Dismayadong umiling ang mama niya, hindi makapaniwala sa ginagawa ng anak. Niyakap ako ni mama ng mahigpit, hinaplos ang likod para kumalma. "I am very disappointed to you, Alrus! I thought, you loved her! I thought, till end your love for her! But…I cannot believe you are doing this! Para ano? Para sa anak? Kasi hindi ka makapaghintay na mabiyayaan kayo huh! Atat ka e! Atat na atat ka na magkaroon ng anak!" Marthalia said furiously. He sighed and bow his head. I sighed and smile sadly. "G-give me a p-pen," mahina kong sabi. Nagulantang sila sa sinabi ko. Tinignan ko si Alrus sa mga mata niya, nagulat sa akin pero nakita ko ang saya doon. Ngumiti ako ng malungkot sa kanya. "No! You will not sign it, Samantha!" his mom said. Binigay ni Alrus ang ball pen sa akin. Tinanggap ko iyon at walang sabi-sabing pinirmahan ang annulment paper namin. Binalik ko sa kanya ang papel maging ang pen habang may ngiti sa labi ko. "G-goodluck to your new wife." I said weakly. He sighed and nodded. "You will regret this, Alrus! I'm very sure you will regret it!" Martha said disappointedly. That's the end of everything I have. The end of my marriage to him. The end of my love. The end of our love.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook