"Wow, friend, bigatin muna talaga, ang ganda ganda muna plus itong opisina mo super ganda, asinsado kana talaga," sabi ng kaibigan niyang si Rica na ipinalit niyang bagong executive assistant pagkatapos niyang palayasin ang malanding si Jen. Buhat ng tagpong nasaksihan kong kababuyan ng aking sekretarya at tinuring na boy bestfriend na si Anton ay hindi na ako nag-opisina pa sa silid na iyon.Agad kong pinabaklas ang opisina at nagpaggawa ako ng bagong silid sa top floor pa rin. Sa lapad ba naman ng espasyo sa executive floor ay makakagawa ako ng maraming silid kung gugustuhin ko.Dalawang silid lang ang pinaggawa ko.Ang aking main office at isang private suite kung saan ako matutulog kung maisipan kong hindi na uuwi pa sa nirentahang apartment. "Hindi naman friend!" nangingiti kong sabi

