"Mom, magpaggaling ka para sa amin ni Eliza... kailangan ka namin please... mom...," usal ko habang nasa labas ng operating room. Kinakailangang maoperahan agad- agad si mommy dahilan sa paghina ng puso nito. Ang dami ng komplikasyon ng sakit niya. Sa pagdaan ng panahon mas lalong lumalala ang kanyang kondisyon. We have the best doctors but then wala pa ring pinagbago ang kalagayan niya. I had to fly back here in the US without Eliza's knowledge. Masakit man na iwan ko siya ng walang paalam at kinakailangan upang hindi na siya madamay pa sa mga kaguluhan ng pamilya ko. Yes, my family... my mom's medical condition and my stepdad's evil doings. Hindi ko na alam kung sino pa ang pagkakatiwalaan ko dahil ang akala ko na kapamilya at may malasakit sa amin ni mommy ay siyang nagtraydor sa ami

