Eliza POV Inayos ko muna ang schedule ngayong araw ng bagong boss ko bago timplahan siya ng black coffee. Wala namang siyang appointment or business meetings. Just a couple of follow-ups from suppliers. Tinungo ko ang pantry at naghalungkat ng kape. Namangha ako sa nakitang mga dosenang packs of kapeng barako at nabasa ko ang brand at Nanay Linda's pa talaga ang nakasulat na label. Ito siguro ang dahilan kung bakit nakita ko siya sa palengke noong nakaraang linggo. Pinakyaw niya ang mga kape namin. Hindi naman talaga kami ang gumagawa ng kapeng barako. May supplier si nanay Linda at nirerepack nalang namin ni Ate Diding at nilalagyan ng panibagong label. Tamang-tama lang na pinakyaw niya lahat ng kapeng barako dahil pinasara ko na ang tindahan at pinabantayan na lang kay Ate Diding si I

